Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SA KAMAY NG MGA GANID

$
0
0

sibol5ISANG grupo ng katutubo sa Kalinga province ang nagreklamo laban sa pagmimina sa kanilang lugar.

Ang mga grupo ng katandaan o elders ng Guinaang sa Pasil town sa Kalinga province ay humiling na itigil ang mining exploration sa kanilang lugar dahil, ayon sa kanila, ay nalabag ang kanilang karapatan bilang mga katutubo.

Ayon sa pahayagang Daily Inquirer, ang Guinaang Indigenous Peoples Organization (Gipo) ay naghain ng petisyon para matigil ang exploration ng Makilala Mining Co., Inc. na sinasabing maraming irregularity tungkol sa kanilang exploration sa lugar.

Ang bintang ng Gipo ay napilit daw ng Makilala na lumagda ang mga miyembro ng tribu nila sa isang dokumento ng pagsang-ayon kahit hindi naiintindihan ng mga ito ang operasyon ng pagmimina sa kanilang lugar.

Kaya ang hiling ng Gipo sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ay bawiin ang nauna nang pinayagang exploration activity ng nasabing mining company.

Ipinaglalaban ng Gipo ang ancestral rights ng mga katutubo na ang sabi ay nalapastangan.

Ayon naman sa mga kinatawan ng mining company ay hindi sila nanloko at nakuha talaga nila ayon sa tamang proseso ang pahintulot na magsagawa ng exploration sa Pasil.

Mayaman sa ginto ang Pasil kaya maraming investor ang interesado sa lugar at inamin ng Gipo na may mga small-scale miner na nag-o-operate sa kanilang lugar.

Sa kasalukuyang debate sa Congress, isa ang small-scale mining na tinuturong dahilan ng mga aksidente sa mga minahan dahil hindi regulated ang small-scale mining at hindi masusing nababantayan ang epekto ng kanilang mga activity sa kalikasan.

May buti para sa bayan ang industriya ng pagmimina pero may mga batas na sinusunod ang mga nagmiminang kompanya na ang sabi nga ng Makilala ay nasunod kaya nakakuha sila ng permit.

Pero sinasabi nga ng Gipo na may mga hindi tama sa pagbibigay ng permit sa Makilala.

Isa sa magiging mainit na usapan sa Congress ang industriya ng pagmimina.

Maraming mga bansa ang yumaman na sa mining pero delikado kapag ang industriyang ito ay napasakamay ng mga ganid at gahaman dahil malawak ang magiging kasiraan sa ating likas na yaman.

The post SA KAMAY NG MGA GANID appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>