Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BASAG NA SALAMIN AT DEBOTONG NAKAPAA

$
0
0

burdado-jun-briones2TUMINDIG ang balahibo ko, parekoy, nang mapansin ko ang napakaraming basag na salamin sa kapaligiran ng Quiapo at Sta. Cruz, Manila.

Nakararami sa napansin kong basag na salamin ang galing sa mga softdrink at may mga galing din sa mga salamin ng mga sasakyan.

Sa aking pagbaba sa aking mga sinasakyan para suriin lang ang mga salamin, marami sa mga ito ang ipinatama sa mga center island.
Hula ko, parekoy, pinagbabasag ang mga ito sa nakalipas na Kapaskuhan.

Sa halip na rebentador at torotot ang pinag-initan ng mga salbaheng mahilig lumikha ng ingay nitong Kapaskuhan at Bagong Taon, ‘yang magbasag ng salamin ang kanilang pinagkaabalahan.

Ewan natin kung ano ang halaga ng ingay mula sa binabasag na bote o salamin sa Pasko at Bagong Taon.
Trip lang ba?

Baka ang may gawa sa mga ‘yan ay hindi lang lasing o nakainom. Baka mga lasing pa sa droga.

Ang natatandaan ko lang na isang okasyon na may pagbabasag ng anomang mababasag ay ukol sa mga patay.

Kapag inaalis na ang bangkay sa punerarya o bahay, nagbabasag ang mga maybahay para hindi na raw babalik pa sa kanila ang patay ng mahal nila sa buhay.

Lalo na ang mga mister o
misis. Hak, hak, hak!

Ayaw nilang bumalik ang mga ito para makialam kung sakaling magkakaroon sila ng kahalakhakan bago pa man dumating ang babang luksa.

Kahit magtampo pa ang kanilang mga mahal na biyenan. Hek, hek, hek!
Nga pala, may mga nagbabasag din ng salamin kung nagseselos. Pero tinatalakay natin ito kaugnay sa nalalapit na grand procession para kay Jesus Itim na Poong Nazareno.

‘Di ba nakapaa lang ang mga deboto rito, babae at lalaki man? Kung ganun, napakadelikado ang mga basag na salamin sa mga deboto.

Kung hindi mawalis ang mga ito at maitapon sa tamang basurahan, tiyak na marami ang
magkakasugat-sugat.

Eh, mabuti kung magkakasugat-sugat lang ang mga ito. Paano kung sila’y maimpeksyon makaraang mabaunan o mahiwaan ng basag na salamin ang kanilang mga talampakan?

Paano kung maimpeksyon ang mga ito at paano kung may mamatay sa mga ito?

Ingunguso pa nila si Jesus Nazareno?

O magwalis-walis na kayo riyan.

The post BASAG NA SALAMIN AT DEBOTONG NAKAPAA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>