Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

INTINDIHIN NAMAN ANG PALASYO

$
0
0

_bobby ricohermosoKAPANSIN-PANSIN na nitong mga huling araw at linggo ay naging sentro ng batikos ang Malakanyang ukol sa iba’t ibang isyu at usapin. Hindi nakaligtas sa mga kritiko ang pagkampi ng Palasyo sa Meralco sa ginawa nitong pagtataas ng singil sa bayarin sa kuryente. Buti na lang at nakialam ang Supreme Court at naglabas ito ng TRO laban sa rate hike kaya pansamantalang natigil ang galit ng mga tao.

Binira rin ang administrasyon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, gayundin naman ang planong pag-apruba sa petisyon para itaas ang singil sa tubig. Sa lahat ng mga isyung ito, masasabi ko na may katuwiran ang taumbayan na pumalag at ipaalam sa pamahalaan na hindi na tama ang ginagawa ng mga mayayamang negosyante.

Tila  kasi  pinaglalaruan na ng mga dambuhalang negosyante ang buhay ng mga Pinoy, na sa bawat kilos nila ay kailangang kumita sila sukdulang isakripisyo nila ang kapakanan ng mga mahihirap. Pero may ilan din namang panukala ang pamahalaang Aquino na dapat bigyang pansin at pang-unawa.

At kabilang dito ang pagtataas ng singil sa kontribusyon sa Social Security System at Philippine Health Insurance Corp. Sobrang kontrobersyal ang mga panukalang ito na umaani hanggang ngayon ng batikos, subalit sa tingin ko ay kailangan ito para lalong mapatatag ang social protection program ng pamahalaan.

Sa unang tingin ay hindi katanggap-tanggap ang plano subalit kung long term ang magiging batayan ay tiyak na magiging kapaki-pakinabang ito. Sa government planning kasi ay kailangan ang foresight at hindi naman dapat laging knee-jerk policy lang ang kailangang gawin ng gobyerno.

Kapag puro angal ng mga militanteng nagpoprotesta kasi ang paniniwalaan natin ay walang mangyayari sa mga mabubuting programa ng pamahalaan. Wala naman kasi silang alam gawin kundi ang umangal pero wala namang ibinibigay na solusyon sa mga problema ng bayan.

Samantala, gusto kong batiin ng Maligayang Kaarawan ang aking biyenan na si Rafaela “Ilang” Carpio na nagdiriwang ng kanyang kapanganakan ngayon (Enero 7,) at ang hipag kong si Beth Martirez Lebanto na GF ni bayaw Romy, na magdiriwang naman ng kanyang kaarawan bukas (Enero 8). Mabuhay kayo!

The post INTINDIHIN NAMAN ANG PALASYO appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>