Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

METRO MANILA LINISIN AT POONG HESUS NAZARENO

$
0
0

burdado-jun-briones2HINDI dapat na ipagwalang bahala ang kalagayan ng mga deboto ni Poong Jesus Nazareno o Poong Itim na Nazareno.

Tiyak na milyones, parekoy, ang dadalo sa prusisyon para sa kanya sa Huwebes, Enero 9, 2014, sa Quiapo, Manila.

Naririnig natin, marami ang darating na deboto sa paniniwalang makatutulong siya sa pagsagka ng mala-Yolanda na bagyo sa taong ito, lalo na sa Metro Manila at karatig na mga lalawigan.

Takot, parekoy, na ma-Yolanda ang talagang isang dahilan kung bakit daragsa ang mga deboto sa prusisyon.

At gaya ng nakaraang mga taon, isa o dalawang araw pa lang, may mga naglalakad na mula sa mga malalayong lugar para lang makahipo o makapaghagis ng panyo o tuwalya sa kanya sa nasabing araw.

Paniniwala nila, suwerte na, tagapagligtas pa sa kalamidad si Nazareno.

Sana naman magkatotoo ang lahat ng ito.

Mahirap na talagang ma-Yolanda at malindol.

Dahil naman sa nakapaa lang ang mga deboto, dapat na isaalang-alang nang todo ito.

Dahil sa rami ng mga deboto mula sa iba’t ibang lungsod at bayan na papuntang Quiapo sa araw at gabi at paalis makaraan ang prusisyon, dapat na magwalis ang buong Metro Manila.

Binabanggit natin ito dahil sa nagkalat na basura kahit saan mula sa Kapaskuhan at Bagong Taon.

Ang daming salaming basag, supot na rebentador, kabilang na ang mga naglalakasang Goodbye Napoles, Super Yolanda, Atomic Bomb at kung ano-ano pa.

Iba pa ang mga basurang bakal, yero, pako, barbecue stick at iba pang nakasusugat at nakatetetano na galing sa mga welding shop, konstraksyon, restawran at iba pa.

Disgrasya ang aabutin mo, parekoy, kung maaapakan mo kahit alin sa mga ito.

Halimbawa namang kulang ang aksyon ng pamahalaan sa paglilinis, napakagandang tingnan o buhayin ang bayanihan para sa paglilinis sa hanay ng mga taga-barangay.

Kung kakayanin, pairalin din natin ang “Tapat ko, Linis ko!” na programa.

Para naman po sa atin lahat ang kalinisan.

Saka na natin sisihin ang mga Herodes, Pilato at korap pagkatapos.

The post METRO MANILA LINISIN AT POONG HESUS NAZARENO appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>