Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NSO, NEDA: PRESYO NG BILIHIN TUMAAS SA POWER, OIL HIKES

$
0
0

burdado-jun-briones2NAGING malinaw ngayon ang katotohanang kapag tumaas ang presyo ng kuryente at petrolyo, tataas din ang presyo ng lahat ng mga bilihin.

Mismong ang National Statistics Office at National Economic Development Authority ang nagsasabi na lahat ng mga bilihin nitong nakaraang buwan ay nagmahal dahil sa napakamamahal na diesel, gasolina, liquified petroleum gas at gaas.

Malaki rin ang itinaas ng presyo dahil sa pagtataas ng Meralco ng presyo ng kuryente.

Siyempre pa, iba ang pagmamahal ng presyo ng mga bilihin sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad, lalo na ang bagyong Yolanda.

Pumalpak ang inihayag na “national calamity” para makontrol sana ang pagmamahal ng lahat ng mga bilihin sa mga calamity area.

Ang masakit dito, tinamaan ang lahat dahil nagmahal ang bigas, lamang dagat, prutas, gulay, mantika, rekado at iba pa.

Dahil na rin sa pangyayari, tiyak na magtatagal ang mataas na presyo ng mga bilihin habang nagtatagal din ang mahal na petrolyo at kuryente.

Dati-rati, parekoy, hindi tinatanggap ng pamahalaan, lalo na ang Malakanyang, ang masamang epekto sa presyo ng mga bilihin ang pagtataas ng presyo ng mga ito.

At kung tinatanggap man nito, ang mamamayan ang binubuweltahan nito sa pagsasabing dapat na maghigpit ng sinturon ang mga ito.

May pakonswelo de bobo naman ang pamahalaan.

Mararamdaman umano ang pagbaba ng presyo, lalo na ang bigas, dahil magiging mura umano ang bigas sa mga bansang Thailand, Vietnam at India na ating pinag-aangkatan nito.

Sobra-sobra umano ang aning palay sa mga bansang ito na magtutulak pababa ng presyo ng bigas.

Matanong lang natin, parekoy, ang mga nasa pamahalaan. Ano ba dapat ang inyong gagawin sa mga sanhi ng pagmamahal ng presyo ng lahat ng mga batayang bilihin sa Pinas?

Pababayaan lang ba ninyo ang mga pagsasamantala ng mga kompanyang langis at kuryente na lapain tayong lahat? At iasa sa mga dayuhan ang ating sikmura at pang araw-araw na buhay?

Pwe!

The post NSO, NEDA: PRESYO NG BILIHIN TUMAAS SA POWER, OIL HIKES appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>