Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PDAF, GASGAS SA MGA POLITIKO

$
0
0

pakurotNOONG hindi pa pumuputok ang katiwalian na kinasasangkutan ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles, madali lang para sa mga mamamayang nangangailangan ang lumapit sa mga politiko upang humingi ng tulong.

Kadalasan, hindi napahihindian ng mga mambabatas ang mga nanghihingi ng tulong na mamamayan lalo’t ang pangangailangan ng mga ito ay kaugnay sa kalusugan at edukasyon ng kanilang mahal sa buhay. Maging sa pamilya ng mga namayapa ay nagbibigay rin ng abuloy ang mga senador, congressman at maging mga mayor. Maging ang tanggapan ng bise presidente ay nagbibigay rin ng malaking tulong pinansiyal sa pamilya ng namayapa.

Siyempre, hindi naman sinasabi ng mga politikong ito na ang perang gamit nila sa pagtulong at pagpapabango ng kanilang pangalan para sa halalan ay mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) na mas kilala sa tawag na pork barrel. Sa madaling salita, itinatago nila na malaking tulong sa kanilang pagiging sikat sa mga mamamayan ang PDAF.
Karamihan sa kanilang mga natulungan ay inakalang galing sa kanilang bulsa ang perang kanilang ipinantulong.

Nang mabuking ang mga katiwalian gamit ang PDAF, gasgas na gasgas na rin ang katwiran ng mga politiko na wala na silang pondo na puwedeng ipantulong dahil wala na nga ang PDAF. Ito ngayon ang “national anthem” sa mga tanggapang nilalapitan upang hingan ng tulong.

Wala na bang ibang paraan para makatulong? Lahat na lang ng ahensiya ng pamahalaan ni Pangulong Benigno Aquino III ay puro isinisisi sa PDAF ang kawalan nila ng pondo. May kasabihan nga na “kapag gusto ay may paraan, pero kapag ayaw ay maraming dahilan.” Sa madaling salita, ayaw nang tumulong ng mga politiko, hindi dahil sa wala silang PDAF kundi dahil wala na silang magiging pakinabang sa pagtulong.

Wala na silang magiging “kickback.”
Hindi ba milyon ang naibubulsa nila sa kanilang mga scholarship program, murang palibing, kalusugang pambarangay, pambayan at kung
saan-saan pa? Lima lang ang scholars na nakikinabang pero ang nasa listahan ay daan-daan o libo-libo. Gayundin ang mga lumapit na namatayan. Sampu lang ang nabigyan ng tulong na libreng ataul pero daan-daan na ang nakatala sa kanilang programa.

Kawawang PDAF, gamit na gamit na, gasgas na gasgas pa.

o0o
DAPAT maging alerto si Manila Mayor Joseph Estrada dahil unti-unti nang nakokopo ng mga “die hard supporter and follower” ni dating Mayor Alfredo Lim ang mga magagandang posisyon sa Manila Police District.

Baka mabulaga si Mayor Erap na bigla na lang magkaroon ng mga patayan at salvaging, mas matinding paglaganap ng droga at pag-aalaga ng mga magnanakaw na sisira na naman sa imahe ng Maynila na kanyang unti-unting nililinis. Ang masakit, galing pa raw sa Manila City Hall ang endorsement sa MPD ng mga opisyal na masugid na tagasuporta at tagasunod ng kanyang mortal na kaaway sa pulitika.

The post PDAF, GASGAS SA MGA POLITIKO appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>