Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAGHIHIGPIT SA GUN CONTROL LAW, GAWING PAREHAS

$
0
0

_lily reyesKILALA si Pangulong Benigno Aquino bilang gun enthusiast. Magaling bumaril at madalas kasali noon sa lahat ng kompetisyon ng gun shoot kaya alam niya kung gaano kahalaga ang baril hindi lang para sa sports na ito kundi panseguridad din, lalo na ng mga negosyante, maliit man o malaki.

Pero nakapagtataka na sa ilalim pa ni shooter President ang paghihigpit ng pagmamay-ari ng baril. Nagsumbong sa inyong lingkod ang mga kapatid natin sa media, mga negosyante at ordinaryong mamamayan, pati na rin ang gun enthusiasts, na sobra raw ang higpit ng PNP Firearms Explosives Office (FEO) sa pagbibigay ng gun license, lalo na ang Permit to Carry Firearms Outside the Residence (PTCFOR).

Tama lang ang ginagawang pagkontrol ng Pambansang Pulisya, pero sana naman ay itama nila ang sistema at pamamaraan at gawing patas ang kaluwagan at kasikipan ng pagbibigay ng lisensiya at PTCFOR.

Hindi naman lihim na mayroong kumikita riyan sa FEO at mula mismo sa opisina ni PNP Chief Alan Purisima.

Sa mga sumbong sa Lily’s Files, mismo sa national headquarters ay maraming fixer na para lang sa dalawa, tatlo at apat na letra lang ng apelyido na kayang magbayad ng mula P150 libo pataas para sa lisensiya at permit to carry.

Sinasabing nakadududa raw ang mga datos ng mga nabigyan ng lisensiya na halos magkakapareho ang entrada sa dokumento ngunit magkakaiba ang address o tirahan nila. Ang masakit pa nito, hindi na raw  matunton ngayon ang mga taong nabigyan na.

Problema ba ‘yun? Eh, ‘di tanggalan ng lisensiya ang mga taong ‘yun!

Minsan ay nakausap ko rin ang ilang opisyal ng PROGUN at mga shooter sa Camp Karingal at ‘yun din ang reklamo nila.

Hindi raw sila makasali sa mga kompetisyon dahil wala silang PTCFOR na dati naman ay mayroon.

Sobra raw ang higpit sa matagal nang sports shooter pero ngayon lang sila nakaramdam ng sobra-sobrang higpit sa FEO system.

Ito ang malungkot. Hindi maitatago ng PNP ang kanilang datos sa dami at taas ng bilang ng krimen na ang sangkot ay baril.

Kailan din lang, nang ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon, hindi ba tumaas din ang bilang ng nagpaputok ng baril at ilang bata ang namatay?

Kung totoo ang paghihigpit nina PNP Chief Alan at Mr. Aquino, simulan nila ito sa Mindanao, lalo na sa pangkat ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at mga katulad na grupo para isulong ang kanilang mga armas!

Huwag na tayong maglokohan, Mr. Purisima at Mr. Noynoy.

Kung higpit ang gusto ninyo, gawin ninyo nang parehas at totoo.

Sabi nga nila, “sa batas na pinaiiral ngayon, “only criminals will have guns!”

o0o
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09087230036  o kaya ay mag-email lang sa lpr_2012@yahoo.com

The post PAGHIHIGPIT SA GUN CONTROL LAW, GAWING PAREHAS appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>