NGAYONG Enero, naghandog ng septic tank cleaning services na walang dagdag na gastos ang West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) sa kanilang mga kostumer sa piling bahagi ng Caloocan, Las Piñas, Quezon City at Valenzuela.
Ang cleaning services ay nagkakahalaga ng P2,500 bawat truck. Makapag-avail ng libreng services ang mga Maynilad customer na nasa Barangays 85-87, 89-98,103-106,115,117-119, 121-124,127-131 at 133 sa South Caloocan, Brgy. 186-187 sa North Caloocan; Brgys. Baesa, kaligayahan, Bagong Silangan, San Bartolome, Gulod, San Agustin, Filinvest Heights at Mountain View, parehong nasa Barangay Batasan Hills, Quezon City. Kasama rin ang Barangay Canumay West, Maysan, Gen. T. de Leon, Veinte Reales at Ugong lahat ay nasa Valenzuela City.
Sa Las Piñas, ang Maynilad customers sa Doña Josefa Subdivision, Pilar Village at Veraville Homes 1-A sa Almanza 1; Mikesell Subdivision at Moonwalk Village sa barangay Talon 5; BF Resort subdivision sa Brgy. Talon 2; Gatchalian Village at Camella 5 sa Brgy. Manuyo 2; at Verdant Subdivision sa Brgy. Pamplona 3 ay maaari ring mag-avail ng serbisyo para sa septic tank cleaning.
Ang paglilinis ng septic tank ay makatutulong upang maipagsanggalang sa pagkalat ng mga sakit, pagbabara ng plumbing systems, at mapabababa ang discharge ng pollutants sa kapaligiran.
Hinihimok ni Maynilad President Victorico P. Vargas ang mga kostumer ng kompanya upang kumuha ng septic tank cleaning.
“Maliban sa proteksyon sa kalusugan ng kanilang pamilya at komunidad, makatutulong din sila sa kapaligiran,” ayon pa sa kanya.
Ang mga kostumer ng Maynilad na interesado na mag-avail ng septic tank cleaning ng kompanya, maaaring tumawag sa mga numerong 981-3401 at 981-3402.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Maynilad Services at kung nais malaman ang mga kakailanganin at pamamaraan, maaari ring makita sa www.mayniladwater.com.ph.
The post MAYNILAD, NAGHANDOG NG LIBRENG SEPTIC TANK CLEANING NGAYONG ENERO appeared first on Remate.