MATINDI talaga kung sumipsip sa wetpaks ni Noypi itong kinawatan, este, kinatawan ng Eastern Samar na si Ben Evardone.
Aba, eh, dapat daw bigyan pa ng Kongreso ng panibago o karagdagang “power” si PNoy upang matugunan nito ang problema natin sa kuryente.
King-inang ideya ‘yan!
Bakit Mister Evardone alyas sipsipwet, anong power pa ba ang kulang sa ating Pangulo ngayon?
Bilang Punong Ehekutibo ay 1/3 ng kapangyarihan sa ating pamahalaan ay nasa kanya na.
Ang mga pinuno ng dalawang kapulungan ng Kongreso ay kaalyado niya. Ang Chief Justice ng SC ay siya ang nagtalaga.
Ano pa ba ang “power” na kulang sa kanya? ‘Di ba “kili-kili power” na lang? Ehek!
Sa totoo lang, parekoy, kung pagiging sipsipwet ang pag-uusapan ay naniniwala tayo na talagang “wagas” itong si Evardone!
Sa lahat ng mambabatas kasi ay bukod-tangi na siya lang ang may ganitong ideya! Tangna! Kung umasta ang hinayupak aakalain mong tunay na makabayan. Pwe!
Hinding-hindi natin malilimutan itong si Rep. Ben Evardone, ang dating chairman ng House Committee na nangtsubibo sa sambayanang Filipino sa isyu ng Freedom of Information Bill!
Manahimik ka nga, Evardone! Hindi ka na nakatutuwang bwisit ka!
Balikan natin, parekoy itong “extra power” na dapat ay ibigay raw sa Pangulo.
‘Di ba’t ayon sa nakararaming Filipino na sumusuri sa mga galaw ni Noypi ay sinasabihan itong bengatibo, elitista at abnoy?
Oh, eh, paano na lang kung sakaling may katotohanan nga ang mga paratang na ito? Tapos bibigyan pa ng extra power? Susmaryosep!
Iligtas mo po, Diyos ko, ang sambayanan mula sa mga kamay ng bengatibo, elitista at abnoy!
Deodorant gusto n’yo? Hak, hak, hak!
-o0o-
Patuloy na namamayagpag ang “weekly collection activities” mula sa mga iligalista sa Calabarzon nitong nagpapakilalang mga collector ng CIDG at Camp Crame.
Si alyas “Milan” ang nangongolekta para sa Deputy ng Region 4-A RIU ng CIDG (R2) samantalang si P02 Lotayo ay ibinalibag naman ni Cavite PNP Provincial Director S/Supt. Joselito Esquivel, Jr. sa Indang, Cavite dahil sa pangongolektong nito gamit ang isang Col. Herrera ng Camp Crame.
Ayon sa ating tawiwit, si Col. Herrera ay sinasabi ni Lotayo na naka-assign sa Camp Crame MED. Hindi lang malinaw kung ano bang unit ng PNP itong MED.
Anoman ‘yun, si Lotayo lang ang tanging nakaaalam!
Ang natitiyak natin ay habang nagsusulat tayo nitong kolum ay tiniyak ng tawiwit na tuloy ang collection ng dalawang nabanggit!
The post EXTRA-POWER KAY PNOY; MILAN AT LOTAYO NG R4-A appeared first on Remate.