KAHIT sandamakmak na mga baril, bala, granada, silencer at shabu ang nahuli ng mga pulis mula sa Tsekwa na si Jerry Sy noong nakaraang linggo ay iniutos pa rin ni Pasay Assistant City Prosecutor Josefina Muego na ito ay palayain.
For further investigation! Kung totoo man o hindi ang mga hinala na may milyong dahilan para gawin ni Piskal Muego ang pagpapalaya sa milyonaryong si Jerry Sy, at least, para kay Piskal ay walang masama sa kanyang ginawa.
Dapat daw ay pinatunayan ng mga pulis na si Sy ay alien o foreigner para ma-justify na bawal nga siyang magkaroon ng baril dito sa Pinas.
Dapat daw, bago inaresto ay tiniyak muna ng mga pulis na si Sy ay walang otoridad o kakayahang magkaroon ng mga baril. King-inaaaa!
Alam mo pa ba Piskal ang doktrina sa warrantless arrest?
Kapag nakita ba ng mga pulis “in plain view” na ang isang tao ay may mga baril, bala, granada, silencer at shabu ay iiwan lang nila ito para kumuha muna ng sinasabi mong mga sertipikasyon? Ay tanga!
Hindi tayo abogado, parekoy, pero alien man o hindi, sa ating mga batas ay ipinagbabawal ang silencer!
Dito sa Pinas ay ipinagbabawal sa isang sibilyan na magkaroon ng granada!
At ewan ko lang kung alam ni Piskal Muego na bawal na bawal ang shabu!
Tungkol sa sinasabi ni Piskal na dapat daw ay nagpakita man lang ang mga pulis ng mga sertipikasyon na si Jerry Sy ay isang foreigner at/o patunay na siya ay hindi lehitimong “gun holder.”
Matanong lang kita, Piskal Muego, hindi ba “evidentiary in nature” ‘yung mga pinagsasabi mo?
Na dapat ay sa isang “full blown trial” na ipiniprisinta?
Dapat bang ilatag ang lahat ng hinihingi mong ebidensya sa “inquest proceeding” pa lamang?
‘Yan bang katwiran mo, Piskal Muego ay ipinatutupad mo sa lahat ng suspek?
Kung si Jerry Sy ba ay hindi milyonaryo, ipag-uutos mo pa rin ba na siya ay palayain?
Oyyyy, aminin!!!
-o0o-
Kung operasyon ng “Bookies” ang pag-uusapan, buong lalawigan ng Rizal ay hawak ngayon ni Bong Sola.
Ayon sa tawiwit, ang pamamayagpag ng iligal na sugal ni Sola ay bunsod na rin ng kanyang “closeness” sa PNP provincial director na si S/Supt. Rolando Anduyan!
Ibig bang sabihin, kernel, may lingguhang “paduyan” sa iyo si Bong Sola kaya hindi mo ginagalaw? Subaybayan!
The post MILYONG RASON NI PISKAL AT SUGAL NI SOLA SA RIZAL appeared first on Remate.