Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SABWATAN NG CUSTOMS AT LED SA SUBIC

$
0
0

ito ang totooNAMIMILIGRONG masibak sa trabaho ang limang (5) tauhan ng Subic Bay Metropolitan Authority Law Enforcement Dept. (LED) bunga ng kinahaharap na kasong “grave misconduct” sanhi ng “extortion” o pangongotong.

Ayon kay LED head Gen. Orlando Maddela (PNP, retired), nasa Disciplinary Action Committee (DAC) na ng SBMA ang kaso laban kay officer Adelino Ansuas at mga guwardiyang sina Antonio Graza, Ronel Viray, Angelito Inocencio at Joven Peña.
Sila ang mga LED personnel na nakatalaga sa Tipo Gate ng Subic Freeport noong Dec. 14, 2013, na nangotong sa mga driver ng dalawang truck ng pangulo ng National Press Club at Remate Publisher na si Benny Antiporda.

Salamat po, Gen. Maddela, sa agarang aksyon pero naniniwala po tayo na marami pa pong dapat kalusin sa inyong hanay.

Kung natiyempong ordinaryong negosyante ang kinotongan, malamang walang isyu at tuloy lang ang ligaya ng mga hinalipak na korap.

Lumalabas na kung magbabayad lang pala ng kotong ang kahit sino, pwede nang maglabas ng kahit na ano sa gates ng Subic Freeport kung ang naka-duty ay sina Ansuas, Graza, Viray, Inocencio at Peña o mga kagaya nila.

Ito Ang Totoo: dapat ding busisiin ang partisipasyon ng iba pang tumatao sa gates ng Subic Freeport katulad ng Customs.

Malamang, nagkakaalaman ang mga panis na ito dahil ang tatanga naman nila kung hindi nila alam ang ginagawa ng kasama nilang nakatunganga sa gate na naghihintay ng masisila.

“Attention” po, Subic Port Customs Collector Gen. Arnulfo J. Marcos (PA, retired), pakitingnan po kung sino ang naka-duty na tauhan ninyo noong 2:00 PM, Disyembre 14, 2013.

Nakailang buwan na rin po kayo sa puwesto pero nakangisi lang ang mga tauhan ninyo sa ibaba ng gusali at paligid mismo ng inyong opisina dahil habang kayo ay hindi umano tumatanggap (talaga lang, ha) tuloy ang ligaya ng mga tauhan ninyong korap.

Kung may ginagawang katiwalian ang magkakasabwat sa gates ng Subic Freeport, malaking raket iyan na patuloy na umiiral at nagpapahirap sa kalakalan at sumisira sa kabutihang asal na dapat namamayani sa taong may katinuan, lalo na sa mga tauhan ng pamahalaan.

Hindi po ba, Pangulong Noynoy Aquino?

Ito Ang Totoo!

The post SABWATAN NG CUSTOMS AT LED SA SUBIC appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>