Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KORAPSYON SA LTFRB (3)

$
0
0

BIGWAS_Gil BugaoisanMARAMI ang natuwa nang ipahayag ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa pamumuno ni Chairman Winston Ginez na pinawalambisa na ang prangkisa ng Don Mariano bus dahil sa wakas ay napagtanto ng ahensiya na mapanganib sa daan ang mga bus at drayber nito.

Gayunman, maliwanag naman na isa lamang ang Don Mariano bus sa apat na kompanyang pag-aari ni Melissa Lim. At gaya ng Don Mariano, ang mga kompanya ng pamilya Lim na gaya ng Fermina Express, Mencorp, Commuters, Nova Auto Transport at Roval Transport ay pawang mga sikat din dahil sa pagiging barumbado ng mga drayber nito.

Maliwanag din na hindi pa rin nabubura ang katiwalian sa LTFRB at sa ahensiyang namamahala sa ating mga pampublikong sasakyan na gaya ng Land Transportation Office (LTO). Talamak pa rin ang katiwalian sa mga ahensiyang ito at patuloy pa rin ang kutsabahan ng mga opisyal ng mga naturang ahensiya upang maipagpatuloy ang mga bulok na kalakaran sa ating public transport system.

Gaya na lamang sa kaso ng LTO na ayon sa ating mga source ay pinaghaharian ngayon ng isang nagngangalang Benjo na isang mataas din na opisyal sa naturang ahensiya. Itinoka nitong Benjo ang kanyang sarili bilang bagman ng mga karaketan sa LTO, magmula sa smoke emission testing hanggang sa insurance.
‘Yan ang dahilan kung bakit sa sampu sigurong bus na bumibiyahe sa EDSA ay mahigit kalahati rito ang mga smoke-belcher. Pinalulusot kasi nitong si Benjo ang mga ito kahit halata namang ‘di papasa ang mga ito sa smoke emission test.

Itong is Benjo rin ang may pakana ng gimik ngayon sa LTO na i-centralize ang lahat ng registration ng mga bagong sasakyan na siyang dahilan kung bakit napakahirap at napakabagal ang pagpoproseso ng mga registration. Maging ang mga pagbibigay ng mga sticker at plaka ay pinagkakaperahan umano nitong si Benjo na siya namang dahilan kung bakit napakaraming sasakyan ang walang sticker at wala pa ring plaka hanggang ngayon.

Si Benjo rin ang may utak ng centralization ng lahat ng insurance upang matiyak na sa kanya lamang mapupunta ang mga tongpat ng bus companies, mga smoke emission testing center, insurance company at kung ano-ano pang grupo na madalas nakikipagtransaksyon sa LTO.

Ngunit dahil bata siya ng bagong LTO chief at malakas din siya sa Regional director ng NCR, hindi nakapagtataka kung bakit malakas ang loob nitong si Benjo.
Naisip ko tuloy na baka naman may basbas din ang mga ito sa kawalanghiyaan nitong si Benjo.

***
Para sa inyong suhestiyon at komento, mag-email lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com.

The post KORAPSYON SA LTFRB (3) appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247