Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ABESAMIS BAGONG PANGULO NG BARANGAYAN

$
0
0

arlie-calalo41TIYAK na magiging aktibo, progresibo at result-oriented ang Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LBP) matapos mahalal bilang pangulo si Atty. Edmund Abesamis, pangulo ng barangayan sa Nueva Ecija.

Ito ang siniguro ni Atty. Edmund sa 42,000 barangay sa buong bansa kasabay ang pagtiyak na lalo pa niyang patatatagin at isusulong ang maayos na koordinasyon sa pagitan ng pamahalaang nasyunal at mga lider-barangay sa buong Pilipinas.

Sinabi rin ni Atty. Edmund na kanyang ilalapit sa Malakanyang at Department of Interior and Local Government ang pagpapatupad ng lahat ng benepisyo sa barangayan na isinasaad sa Local Government Code.

Tututukan din nito ang pagpapatatag ng komunikasyon at kooperasyon ng mga ahensiya ng gobyerno at mga barangay.

Sa paliwanag ng bagong LBP head, alam naman ng lahat na sobra-sobra ang programa ng nasyunal na pamahalaan pero, aniya, hindi ito nakararating sa barangayan kaya ito sumasablay.

Naniniwala si Atty. Edmund na ang partisipasyon ng barangayan sa lahat ng proyekto ng pamahalaan ang siyang susi upang ganap na maramdaman ng tao ang pagkalinga ng gobyerno.

Hangad din ng anak ni dating Supreme Court administrator at dating Court of Appeal Justice Bernardo Padilla Abesamis na mapag-isa ang barangayan sa buong bansa, lalo na sa aspeto sa pakikibaka sa kalamidad sa bansa.

“Komprehensibong plano at komunikasyon ang aking isusulong para maagapan at maibsan natin ang pinsala ng mga bagyo at iba pang kalamidad sa Pilipinas,” aniya.

Plano rin nito ang pagkakaroon ng tuloy-tuloy na dialogo sa bawat lider barangay sa buong rehiyon sa bansa upang makagawa ng isang komprehensibong pag-aaral na magiging kapaki-pakinabang sa kanilang interes.

Dedikasyon, puso at malasakit, ‘yan ang sandata ni Pangulong Edmund sa pag-aangat ng barangayan tungo sa lalong ikasisigla nito patungo sa kaunlaran. Sabi nga, the ‘best is yet to come’ at ‘yan ang siniguro ni Atty. Edmund.

The post ABESAMIS BAGONG PANGULO NG BARANGAYAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.