PIKON NA PIKON na si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa kabaklaan ni American Floyd Mayweather, Jr.
Hinamon na ni Pacman ang mayabang na boksingerong negro na maglaban sila ni Mayweather, kahit saan, kahit kailan nang LIBRE.
Ibig sabihin, wala ni kusing silang makukuha, bago at pagkatapos ng kanilang bakbakan…kung sakaling ito ay maikasa.
Ang kikitain ng kanilang laban na ituturing na pinakamalaki sa kasaysayan ng boksing ay ido-donate sa charity.
At iyan ay galing mismo sa bibig ni Pacman na napikon sa sinabi ni Mayweather na desperado na umano siya na makalaban ang Amerikano dahil NAUUBOS na ang kanyang mga kinita.
Maraming boxing fans ang galit na galit na rin kay Mayweather. Marami siyang cheche-buretse.
Sobra ang laki ng kanyang takot kay Manny. Sinasabi kasing si Manny ang posibleng sumira sa malinis niyang rekord.
Kaya lahat ng palusot ay kanyang sinasabi, makaiwas lang kay Pacman. Una ay ang isyu sa blood testing hanggang sa maging isyu sa hatian sa pera.
Maraming demand si Floyd para labanan si Pacman. Kung ano-ano na nakahihilo pero alam naman ng lahat na umiistayl lang siya para takbuhan ang ating Pambansang Kamao.
Nitong huli, matapos ang isa pang laban, nagpahaging si Mayweather na balak na niyang magretiro nang hindi lumalaban kay Pacquiao.
Aminado tayong magaling sa boksing si Mayweather. At kahit ako’y masugid na tagahanga ni Manny, naniniwala tayong maliit lang ang tsansa niya na manalo sa Amerikano.
Kung sa talento, mas hamak na magaling si Floyd. Ika nga, tsamba lang ang ikapapanalo ni Pacman. Sa utak, sa diskarte, sa footwork at sa bilis, panalo ang negro.
Pero bakit umiiwas si Floyd kay Manny?
Tingin ko ay masyado lang mataas ang ego ni Floyd. Matindi ang selos niya kay Manny na halos sapawan ang kanyang popularidad sa buong mundo.
Pangalawa, takot siyang matsambahan ni Manny. Pangatlo, takot din siyang bumagsak ang kanyang benta kapag natalo kay Pacquiao.
Baliw na baliw si Floyd sa kanyang malinis na rekord na 45-0.
Mas gusto ni Floyd na tawaging duwag at bakla (Gayweather) kaysa lumaban kay Pacman at maisahan.
Pero hindi natin alam, baka mangyari pa rin ang MEGA BOUT.
Baka mapikon din si Mayweather at tanggapin ang hamon ni Manny.
Kung LIBRE at para sa CHARITY? ‘Yan ang imposible.
The post PIKON NA SI PACMAN appeared first on Remate.