Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAPARATING NA ANG TAGTUYOT

$
0
0

ang inyong lingkod hilda ongMAGANDA ang paalala ni Atty. Elenito M. Bagalihog, OIC executive director ng National Water Resources Board (NWRB) sa mamamayan ukol sa pagtitipid ng tubig.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa mga susunod na buwan, papasok na ang tag-araw at titindi ang init. Dahil sa kawalan ng ulan, delikadong bumaba ang lebel ng tubig sa dam.

Ang kakulangan ng ulan ay magdudulot ng pagbaba ng water level sa mga dam na siyang pinanggagalingan ng ating suplay ng tubig. Kapag ito’y nangyari, siguradong magkakaroon ng shortage sa tubig. Maging alisto tayong lahat, huwag mag-aksaya, dapat ituro ng mga magulang at guro sa mga bata ang kahalagahan ng pagtitipid at sa paggamit ng tubig sa bahay at sa opisina.

Ayon kay Atty. Elenito M. Bagalihog, “Lahat tayo ay may tungkuling pangalagaan ang ating kapaligiran dahil ito’y ang lugar na ating tinitirahan kaya tayo nabubuhay. Sa rami ng problema ng ating bansa, hindi naman kaya ng gobyerno na asikasuhin lahat, kailangan magkaisa tayong lahat. Kapag magkakaroon tayo ng kakulangan sa tubig, ‘yan ang magiging mabigat na problema nating lahat. Umaasa ang inyong lingkod kung ang pagtitipid ay pangungunahan mismo ng mga taga-gobyerno, eskwelahan, pribadong kompanya at sa bawat bahay. Ang pagtitipid sa paggamit ng tubig na matagal nang pinatutupad ng NWRB. Kailangan magkaisa tayong tipirin ang tubig at sana magtulungan ang lahat.
Ang NWRB ay ahensya ng gobyerno na siyang nakakaalam at may karapatan sa lahat ng kaukulan para sa tubig sa buong bansa. Ang isa sa pangunahing gawain ng ahensya ay ang pagiging economic regulator nito sa mga pribadong water utilities, upang ipagmalasakit ang karapatan ng mga consumer sa paglalagay ng mataas na uri ng pamantayan na nakatuon sa mga tagapagbigay ng water supply.

The post PAPARATING NA ANG TAGTUYOT appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>