HINDI ba kakapalan ng mukha ang umiiral kay Supt. Christian dela Cruz, hepe ng Sampaloc Police Station, na bukod sa inangkin na ang karangalan sa “Best Station of 2013” sa pagdiriwang ng Manila Police District 113th Anniversary ay inangkin pa rin nito ang P100,000 pabuya na ipinagkaloob ni Manila Mayor Joseph Estrada?
Ay mali pala! Nagpadala naman ng P5,000 si Dela Cruz sa dating station commander ng Sampaloc na si Supt. Santiago Pascual III na talagang nagsikap upang maisaayos ang kapulisan sa kanyang nasasakupan. Pero dahil sa delikadesa, bukod pa sa nainsulto, ipinabalik ni Pascual ang pera kay Dela Cruz na noong Biyernes pa atat na papalitan ang tsekeng iniabot ng alkalde ng Maynila.
Nabanggit ng isang mataas na opisyal ng MPD na dapat kay Pascual din napunta ang “Best Station Commander of 2013” subalit dahil may alat nga sa katawan itong si Pascual ay nasibak dahil sa LBC robbery sa Sampaloc. Bukod sa naka-leave ang nasabing opisyal nang maganap ang nakawan, wala talagang guwardiyang nakatalaga sa establisimyento. Takaw hold-up talaga.
Para sa kaalaman ng nakararami, si Pascual ang bukod tanging station commander sa pag-upo ni Mayor Erap ang sumunod sa patakaran nito na “no take policy.”
Hindi ito tumanggap ng payola mula sa iligal sa Sampaloc, lalo na sa droga at sugal. Lalong hindi nagpakolekta sa vendors.
Pero ano naman ang balitang may tumatanggap ngayon ng lingguhang parating mula sa “gambling lords” sa Sampaloc? Ang masakit, umaaray ang gambling lords sa taas ng hinihingi niyang parating.
o0o
Kahanga-hanga naman itong si Punong Barangay Sigfred Hernane ng Barangay 128 Zone 10 dahil nagawa nitong mag-donate ng 28 dialysis machines at 7 ambulances sa Manila City Government mula sa kita ng kanyang barangay. Sa halip na ibulsa at ipagawa ng bogus na proyekto ang halos P50 milyong naipon ng kanyang barangay sa North Harbor, mas pinili nito na makatulong sa mahihirap na residente ng lungsod.
Ang dialysis machines at ambulances ay ipamamahagi ni Mayor Estrada sa mga ospital sa lungsod, bukod pa sa magtatayo ng dialysis center sa Gat Andres Memorial Hospital upang libre na sa gastos sa pagpapagamot ang mga mahihirap na mamamayang maysakit.
Malaking tulong ang ginawa ni Hernane sa may 323 dialysis patients na umaasa naman ng P1,500 tulong mula kay Vice Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Tuwing ikalawang buwan ay nagbibigay ng tulong pinansiyal si Isko sa mga pasyenteng ito.
o0o
Congratulations to Pakurot dabarkads Supts. Ritchie Claravall and Alex Alberto and Chief Insp. Erlito Renegin, all of Quezon City Police District, for a well deserved and long due promotion.
Of course, congrats too to Supt. Pearl Grace Ibañez, chief of MPD-Personnel. You deserve to be promoted for your industriousness and untiring support to your director and colleagues.
The post MPD COMMANDER KAPALMUKS appeared first on Remate.