Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

INIREREKLAMO ANG TUNAWAN NG GINTO SA CAVITE

$
0
0

lily's-files-lily-reyesANG subdibisyon ay ginawa para  sa isang disente at ligtas na pamumuhay ng isang pamilya kaya kahit medyo may kamahalan ay kinakagat ito para maisaayos lang ang pamilya.

Ngunit nakapagtataka na napatayuan ng isang tunawan ng ginto ang isang sikat na subdibisyon sa lalawigan ng Cavite.

Halos limang taon na raw na nag-o-operate ang tunawan na ito sa may Blk. 5, Lot 40, Green St., Camella North, Springville 1, Molino St., Bacoor, Cavite na, ayon mismo sa mga residente, ay pag-aari ng isang Delia  Barbon.

Matagal na raw itong inirereklamo ng mga residente sa loob ng subdibisyon ngunit nagtataka sila kung bakit hindi ito inaaksyunan ng  Camella at ng Barangay.

Sinasabing marami raw ang nagpupunta sa nasabing tunawan ng ginto para kunan ng litrato, ngunit kapag nakapasok na sa loob ng bahay ay lumalabas agad na masaya at nakangiti.

Hmmmmmmmmmmmmm, parang may naamoy  akong magandang nangyayari pag nakapasok na sa loob ng tunawan daw ng ginto. Kung anoman ang naging usapan o cash-unduan nila  ay sila lang ang nakaaalam.

Sa reklamong nakarating sa Lily’s Files, napag-alamang mag- mula nang ireklamo ito ng mga residente, lalong pinatibayan ang tubo na labasan ng kulay orange at dilaw na usok at nag-o-operate ito sa araw at gabi.

Nakapagtataka lang kung bakit pumayag si Brgy. Capt. Jhun Advincula at ng pamunuan ng Camella North, Springville 1 na magkaroon ng tunawan ng ginto rito gayong isang residential ang nasabing subdibisyon .

Attention, DENR Sec. Ramon Paje, Cavite Provincial Governor Juanito Victor Remulla, Jr. at Bacoor, Cavite Mayor Strike Revilla.  Paano nakalusot sa inyo at sa inyong  tanggapan ang pagpapatayo ng tunawan ng ginto sa gitna ng mamahaling subdibisyon?

Alam n’yo ba ito o nagbubulagan lang at nagbibingi-bingihan lang kayo sa mga reklamo ng mga residente rito?

The post INIREREKLAMO ANG TUNAWAN NG GINTO SA CAVITE appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>