Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAYANIHAN SA LIKOD NG MUSIKA

$
0
0

PASAPORTE-BY-JR-LANGITSINASABING isang katangian ng mga Filipino ang pagiging matulungin at madamayin sa mga taong nangangailangan, sabi nga ng marami hindi ka magdadalawang-salita ‘pag sa Pinoy ka lumapit.

Sa Pattaya, Thailand ay minsang nakilala ko ang mag-asawang Beth at Lito Maghuyop, mga musikerong Pinoy na nakikipagsapalaran doon. Kapwa tubong Mindanao ang mag-asawang Maghuyop, subalit sa bansang Korea sila nagkakilala at nagkaibigan.

Ayon kay Lito, bago siya sinuwerteng makalabas ng bansa at maka-rating ng iba’t ibang bansa gaya ng Japan, Vietnam at Korea ay sa Olongapo siya unang nagtrabaho bilang kasapi ng bandang tumutugtog sa isang restaurant doon. Si Beth naman ay halos dalawang taong tumugtog sa Super ferry at halos naikot na ang Pilipinas bago pinalad na makaalis ng bansa, kasama ang tatlo pang Pinay.

Nang maging ganap na mag-asawa ay pansamantalang umuwi ng bansa sina Lito at Beth, subalit ‘di kalaunan ay muli silang nagdesisyong lisanin ang Pilipinas para sa kinabukasan ng kanilang mga anak. Sa Pattaya, Thailand sila dinala ng kapalaran bilang mga musikero.

Ayon sa kanila tila isang sugal ang ginawa nilang iyon, sapagkat halos  walang katiyakan ang trabahong naghihintay sa kanila roon. Noong una ay sa isang maliit na hotel nagtrabaho si Lito. Kahit na maliit ang sahod niya rito ay nagtiis siya upang kahit paano’y maka-survive.

Hindi nagtagal ay natapos ang kanyang kontrata at swerteng nakalipat siya sa mas maayos na trabaho kung saan ay nakasama niya ang kanyang asawang si Beth at higit na malaki ang kita.

Bagama’t pinalad sina Lito at Beth sa kanilang pagtatrabaho sa Pattaya, sapagkat malaki ang sahod na kanilang tinatanggap sa pagiging musikero, mayroon namang ibang musikerong Pinoy roon na hindi kasing-palad nila, lalo na ang mga kulang sa karanasan.

Dahil dito nagdesisyon ang mag-asawa na buksan ang kanilang tahanan para sa mga Pinoy na musikerong hindi kasing-palad nila, lalo na ang mga pinabayaan na ng kanilang mga agency.

Pagkain at bahay na matutuluyan – ‘yan ang ibinibigay ng mag-asawang Maghuyop sa kanilang mga tinutulungan, at kahit na mayroong ilan sa mga ito na matitigas ang ulo at hindi nakikinig sa kanilang payo, ayon sa kanila ay masaya sila sapagkat sa kanilang munting paaraan ay nakatutulong sila.

“Kailangang matuto ang musician, kahit maliit na kita tanggapin na kesa naman magutom ang pamilya. Pakikisama ang susi ng tagumpay sa ibang bansa. Go with the flow. Kung mataas ang mga kasama mo, tumaas ka; kung mababa, bumaba ka. ‘Wag kang magyabang,” payo ng mag-asawa sa mga Filipino na patuloy na nakikipagsapalaran sa ibang bansa.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa PTV-4 tuwing Miyerkules, 8:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

The post BAYANIHAN SA LIKOD NG MUSIKA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>