MATAPOS sampahan ng “malversation case” kaugnay sa ilang milyong pisong kinasasangkutan sa iskandalo ng PDAF ay kaagad naghain ng “irrevocable resignation” si ex-BOC Commissioner Ruffy Biazon.
Hindi dahil sa inaamin na siya ay may kasalanan o guilty sa kasong isinampa, bagkus, sinabi niyang kaya siya nagbitiw ay upang mapaghandaan ang nasabing kaso.
At upang iligtas na rin ang pangalan ng pamilya na matagal na panahon nilang iningatan!
Iba naman ang nangyari kay Agriculture Secretary Proceso Alcala. Noong mga nakaraang buwan ay dalawang kaso ng “plunder” o pandarambong ang isinampa laban dito kaugnay rin sa iskandalo ng PDAF noong mambabatas pa lang siya ng Quezon.
At kamakailan lang ay muli na naman itong sinampahan ng kasong “Plunder” kaugnay naman sa “bilyong piso” na ninakaw sa kaban ng bayan sa ilalim ng kanyang pamamahala sa DA. Ngunit hindi gaya ni Biazon na minsan lang sinampahan ng kaso ay agad nag-resign, itong si Sec. Alcala ay kapit-tuko. Ayon nga sa ating tawiwit . . . Kapalmuks!
Ang palaging ikinakatwiran ni Alcala kaya ayaw niyang magbitiw ay dahil magugutom siya! Este, wala umano siyang kasalanan!
King-ina, parekoy, mas naniniwala ako na walang kasalanan si Ruffy Biazon sa isinampang kaso sa kanya, na kapiranggot na halaga kung ikukumpara rito sa kinasasangkutan ni Alcala! Pero dahil hindi kapit-tuko, may delicadeza at hindi kapalmuks kaya agad na nag-resign si Biazon!
Ewan ko lang, parekoy, kung saan humuhugot itong si DA Sec. Proceso Alcala ng “kapal ng mukha” sa pananatili ng hinayupak sa pwesto!
Sa oblo ay may kasabihan, “tibay ng dibdib at kapal ng mukha, puhunan sa pagtaba!
-o0o-
Totoo nga, parekoy, ang kasabihan na kasama ng kayamanan, ang kasikatan at diskarte ay namamana rin sa magulang! Nang sumikat si Nardong Putik ay nagkamal ito ng sandamakmak na kayamanang hindi kayang ubusin ng sangkatutak na anak sa kanyang mga asawa’t kabit.
Kaya naman, dumilat sa mundo sina Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. na ika nga, eh, nakahiga na sa salapi! Ngunit maliban sa kayamanan, maging ang kanyang kasikatan sa pelikula ay naipamana rin ni Don Ramon sa kanyang anak na nagsilbing hagdan upang abutin din nito ang pagiging senador.
Ngunit kamakailan ay natuklasang may isa pa palang sikretong agimat si Nardong Putik na ipinamana nito sa kanyang anak. Ang kanyang Napoles connection!” Ang reyna ng mga mandarambong ng PDAF! Pati ba naman ‘yan ipinamana pa? Pwe!
The post SEC. ALCALA KAPALMUKS AT ‘MINANANG AGIMAT’ appeared first on Remate.