Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TALAMAK NA BENTAHAN NG TOBATS SA MEYCAUAYAN

$
0
0

johnny_magalona103SA Barangay Perez at El Camino St. sa Meycauayan, Bulacan ay napakarami raw ang nagbebenta ng shabu sa mga truck driver na bumibiyahe.

Ang balita ko pa ay mismo sa truck na rin ng minamaneho ng mga driver sila gumagamit.

Ang mga tulak o nagbebenta ng droga ay kinilala sa mga alyas na “Jonaz” at “Mabel.”

Nakasakay sa tricycle kung ideliber ng mga tulak ang kanilang mga droga sa kanilang mga parokyanong truck driver.

Ang sistema ng pagdedeliber ng tobats (shabu) ng magpakner sa mga parokyano ng mga ito, sa text lang ay idedeliber na nila ito.

Walang ginagawa ang acting chief of police na si Supt. Fernando Villanueva para mapatigil ito.

Ay naku, Mayor Joan Ararilla, ilang termino na kayong alkalde ng Meycauayan pero hanggang ngayon ay hindi ninyo pa rin napatitigil ang talamak na bentahan ng shabu sa nasasakupan n’yo.

Aba, mayora, hindi naman siguro napakahirap na ipag-utos ninyo ito sa inyong mga kapulisan.

Huwag ninyong hintayin pang paghinalaan namin kayo na ‘tongpats’ kayo kaya hindi ninyo ito inaaksyunan!

‘Wag naman sana!!!

PNP CUP SHOOTING COMPETITION
Sa patuloy na ginagawang pagpapalaganap ni PNP chief Gen. Alan Purisima ng competence, professionalism at responsableng pagmamay-ari ng mga baril sa mga mahuhusay bumaril na pulis at sibilyan ay magsasagawa siya ng CUP tournament na level III Match.

Labinlimang handgun stages na gaganapin sa Mapalad Shooting Range sa Tarlac, sa Feb. 1, 2014 na may tatlong kategorya.

Ayon kay Purisima, layunin ng nasabing paligsahang mapalawak ang kaalaman ng mga pulis sa firearms proficiency at upang mapalaganap ang adbokasiya ng PNP sa responsableng pagmamay-ari ng baril.

ANTATSABOL NA GL SA KAPULISAN
Sa Pasay City ay patuloy ang talamak na operasyon ng lotteng ni Len Aguado. Pati ang pula’t puti at cara y cruz nito sa Roligon Cockpit sa Parañaque. Hindi hinuhuli dahil sa tongpats niya sa  kapulisan.

o0o
Anomang mga reklamo o puna ay i-text lang sa 091892747-64,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com

The post TALAMAK NA BENTAHAN NG TOBATS SA MEYCAUAYAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>