KUNG may mga tao na kinakabayo ng malas, gaya ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita na pag-aari ng pamilya ni PNoy, mayroon din namang mga tao na sadyang kinakalantare ng swerte gaya nitong si Janet Lim-Napoles.
Bakit natin nasabing buwenas itong “Ma’am” Janet ni SILG Mar Roxas? Biruin mo, parekoy, sa kasagsagan ng isyu sa PDAF scam ay mistulang niyugyog ni Napoles ang buong daigdig.
Dahil maging ang mga Pinoy sa iba’t ibang dako ng mundo ay naalarma at nakidalirot kung paano mapipigilan ang mga opisyal ng gobyerno sa patuloy na pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Kaliwa’t kanang demonstrasyon din ang isinagawa ng marami nating kababayan upang tiyakin na makakasuhan si Napoles at mga kasabwat nito.
Lalo na ang mga hijo de-putang mambabatas na ang kaswapangan ay itinatago lang pala sa likod ng kanilang mga kurbata! Pwe!
Balikan natin, parekoy, ang bwenas ni Napoles. May nababasa pa ba kayo ngayon kahit sa social networking sites na tinatalakay pa ang Napoles issue? Wala na! Natabunan! Tigbak na!
Isang matinding lindol lang pala sa Bohol at Cebu na sinundan ng ngitngit ni Yolanda ang bubura sa talakayan ukol sa kademonyohan ni Napoles! King-ina!
Ang masakit, parekoy, nang akmang kukupas na ang usapin kay Yolanda ay bigla namang umeksena ang kalandian, kalibugan at katarantaduhan nitong sina Vhong Navarro, D’niece at D’nephew!
Naging instant celebrity tuloy sina Ms. Cornejo at Cedric Lee!
Kaya nararapat lang, parekoy, na patunayan natin kay Napoles at mga kasabwat niya na hindi tayo madaling makalimot.
Sa kasagsagan ng mga panibagong isyu ay paulit-ulit pa rin nating pag-usapan ang pangungulimbat ng Napoles gang. At maging ang kanyang protektor sa Palasyo!
-o0o-
Ikinakaila raw ni MPD Director C/Supt. Isagani Genabe na siya ang “patong” sa iligal na operasyon na tinaguriang “doble trese” ng Lido de Paris Hotel sa Ongpin, malapit sa Sta. Cruz Church.
Ayon sa ating tawiwit, ipinagpipilitan umano ni Genabe na wala siyang alam ukol sa 8th floor ng nasabing hotel kung saan 13 kwarto ang ginawang sugalan at 13 kwarto rin ang ginawang totnakan!
Ibig sabihin, Gen. Genabe, hindi mo tinatanggap ang padala para sa iyo tuwing Biyernes ng mga may-ari ng nasabing putahan ni Wilson Chua at kasosyong sina Jason Uy at Kwok Chi?
Si Don Roman na financier ng iligal na sugal sa nasabing hotel na kilalang “Casino Binondo” ay nagpapadala rin.
Hindi mo rin ba natatanggap? Hak, hak, hak!
The post NAKALIMUTAN SI NAPOLES AT PUTAHAN SA ‘LIDO DE PARIS’ appeared first on Remate.