Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

New Year’s resolution

$
0
0

NAKAGAWIAN na natin na kapag nagpapalit ang taon, sikat na naririnig ang tanong at katagang: Ano ang New Year’s resolution mo?

Pangkaraniwang sagot kapag natatanong kung ano ang New Year’s resolution, ang baguhin ang maling ugali at gawain.

Oo nga’t tayo’y may mga New Year’s resolution, pero ang tanong, ito ba nama’y naisasagawa at naisasakatuparan natin.

Maaari ang ilan tinutupad ang New Year’s resolution, pero ang karamihan, sinabi ngayon pero kinalilimutan pagkatapos.

‘Yan ang ugaling mali na dapat nang mabago kung nais nina Mang Juan at Aling Maria na mabago ang kanilang buhay.

Kung ang New Year’s resolution mo ay ang baguhin ang sobra mong katamaran, dapat ay pangatawanan mo, magsipag ka.

Pasensya na pero ito ang katotohanan, ang katamaran ay ilan lang sa masasamang ugali, aminin natin, kaya ‘di umuunlad.

Sa ibang bansa, lalo na sa mga mauunlad ngayong nasyon, katulad ng Japan, Canada at Australia, walang ‘Juan tamad’.

Kung may mga New Year’s resolution ang mga Hapon, Canadian at Australian – ito ay ang pagtulong na lang ang nasa isip.

Dahil nga kasi sila’y may mga pera, resulta ito ng kanilang pagiging masipag kaya lalong yumayabong ang kanilang buhay.

Ano ba ang ipinagkaiba nila sa mga Pinoy?

Wala. Magkakatulad tayong tao sa mundo na pagdating ng araw ay mamamahinga rin.

Kung nais nating umunlad, gawin natin silang modelo sa ating mga buhay.

Kailangan ay gumawa tayo ng tama at dapat.

‘Di natin nilalahat ang Juan dela Cruz at Maria dela Cruz ay tamad.

Marami rin sa ating mga Pinoy ay masisikap at masisipag.

Pero ang ‘di natin maitatatwa, mas maraming ‘Juan tamad’ kaya ‘di natin katulad sina Harimoto, Baldwin at Jones.

Huwag tayong magdepende sa kasabihang “Bagong Taon, Bagong pag-asa” na malimit din nating naririnig kapag Bagong Taon.

Kailangan nito ang kaakibat na pagkilos para makamit ang hinahanap nating pag-asa kapag sumasapit ang Bagong Taon.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Love Quotes Tagalog


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014


Lagarto para colorear



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>