IPAGDIWANG ang Araw ng mga Puso at pagtibayin ang pag-iisang dibdib sa piling ng Pag-IBIG Fund!
Ang “I DO. I Do. – Araw ng Pag-IBIG!” ay isang kasalang handog ng Pag-IBIG sa mga miyembrong gustong magpakasal at sa mga mag-asawang nais pagtibayin ang kanilang pagsasama o “Renewal of Vow” sa mga gustong magpakasal muli sa araw ng Puso. Ito ay gaganapin sa Araw ng mga Puso, ika-14 ng Prebrero 2014 sa Clamshell, Intramuros, Manila.
Sasagutin ng Pag-IBIG ang kasal, libreng singsing pati na ang reception para sa kaanib ng Pag-Ibig Fund na nagmamahalan.
Ang mga kalahok ay maaaring manalo ng “HOUSE AND LOT’ at samu’t saring mga papremyo, souvenir at gift item hatid ng Pag-IBIG Fund!
Sa mga Pag-IBIG member na nais lumahok sa magandang oportunidad na ito, kailangan ang mga sumusunod:
1. Aktibong Membership sa Pag-IBIG Fund ng isa sa magiging esposo;
2. Marriage License na mula sa siyudad o munisipyo, para sa magpapakasal;
3. Certified True Copy of Marriage Contract mula sa National Statistics Office (NSO) o mula sa Civil Registrar’s office na nagsasaad nang ‘di bababa sa sampung (10) taon na pagkakakasal, para sa mga magpapatibay ng kasal.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na sangay ng Pag-IBIG Fund o tumawag sa 724-4244 o mag-email sa publicaffairs@pag-ibigfund. gov.ph
Sa araw ng mga puso, sagot ng Pag-IBIG Fund ang kasal ng daan-daang PAG-IBIG members na nagmamahalan. Ito ay paalala na ang bawat isang kumikita ng isang libong piso ay dapat na Pag-ibig members.
SA PAG-IBIG, ANG PINAGHIRAPAN AT PAGMAMAHALAN, MAY KATUPARAN!
The post HANDOG NG PAG-IBIG FUND SA DAAN-DAANG MAGKASINTAHAN “LIBRENG KASAL SA ARAW NG PAG-IBIG” appeared first on Remate.