ANG pangako ni Pangulong Benigno Aquino, aka, Noynoy at PNoy, ay itutuwid niya ang liko-likong kalye ng administrasyong Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa ngayon ay wala pang malaking taong nakakasuhan ang gobyernong Noynoy dahil na rin siguro sa kabagalan ng Department of Justice (DOJ) at ng Office of the Ombudsman sa paghahanap ng ebidensiya laban sa mga salarin.
Totoong naikulong na ng DOJ si Janet Napoles pero ang kaso ay serious illegal decision at hindi ang kanyang pagkakasangkot sa P10-billion pork barrel scam.
Ang mga lawmaker na dawit sa anomalyang ito ay hindi pa kinakasuhan sa Ombudsman sa kabila ng trak-trak na ebidensiya laban sa kanila raw.
Si Davidson Bangayan aka David Tan ay inaresto ng DOJ dahil sa reklamong nilabag niya ang batas ng pandaraya sa kuryente, pero ang kasong rice smuggling niya ay nananatiling unresolved. Ilang minuto pa ay laya na agad siya dahil nakapaglagak siya ng piyansa.
Sinubukan ding ikulong ng Senado si Davidson for contempt pero nagbago ang isip ng mga senador at hindi na siya pinakulong sa Senado. Kakasuhan na lamang daw si Davidson ng pagsisinungaling.
Ang mga taong gustong kasuhan ng Aquino administration ay nananatiling walang kaso, maski na ang mga bagong involved sa katiwalian sa gobyerno ni Noynoy.
Ang kalye na gustong gawing matuwid ni Pangulong Noynoy ay tila yata nagiging mas liko-liko at, worse, mas lubak-lubak.
Ang sabi ng Bureau of Customs ay kilala nila ang mga smuggler pero wala raw silang ebidensiya laban sa mga sangkot. Ang sabi ng Department of Agriculture (DA) ay kilala na nila ang mga rice smuggler pero wala rin daw silang ebidensiya.
Ngayon, magtataka pa ba kayo kung bakit pababa nang pababa ang satisfaction rating ni Noynoy?
The post SUBSTANDRAD ANG TUWID NA DAAN NI NOYNOY appeared first on Remate.