Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

I-VERIFY MO!

$
0
0

NATS TABOYBITIN sa tulog at masakit pa ang ulo, noong umaga ng Martes ay biglang para akong si Tarzan na lumakas, tumikas at ginanahan dahil sa dalawang magandang dilag na aking nakaharap.

Sa Kapihan ng Samahan ng mga Kolumnista sa Pilipinas (SAKOPI) sa Chef’s Bistro sa Tomas Morato, nakalimutan ko rin tuloy higupin ang aking mainit na kape habang nakanganga sa cute na cute na sina Maria Cecilia Kristina M. Africa at Maricris B. Pahate. Har, har, har!

Aber, Pareng Toto at Pareng Ed, paano tayong hindi mapapanganga rito kina Michelle at Marie, e, kahuhusay nilang magpaliwanag sa bawat tanong ng ating mga kasama sa naturang lingguhang balitaan.

Ano bang balita ang ibinigay sa atin ng magagandang binibini? Aba’y napakagandang balita.

Sina Michelle at Marie kasi, mga suki, ang kasagutan na ng mga Pinoy na matagal nang namomroblema sa kanilang birth certificate, marriage certificate at iba pang dokumento na may kinalaman sa tanggapan ng National Statistics Office (NSO).

Ang dalawang binibining ito ang pasimuno ng kauna-unahan at nag-iisang kompanya na kung tawagin ay VERIFIED (Vital Event Records Verified) na lumulutas sa mga problema o mali sa inyong mga personal na dokumento, pangunahin na nga riyan ang birth certificate.

Kung baga, silang dalawa ang mga espesyalista sa problemang ito. Ayon kina Michelle at Marie Pahate, hindi dapat binabalewala ang mga ganitong suliranin. Agad itong dapat inaaksiyunan para maiwasan ang abala sa oras na kailanganin. Puwede n’yo silang kontakin sa 705-1265 at 705-1277.

***

Napakasarap maging ismagler sa Pilipinas.

Kapag ismagler ka at malakas sa gobyerno, masuwerte ka. Para kang nasa langit

Napakaraming ismagler ng bigas sa bansa. Pero kayo ba ay naniniwalang sila ay maipakukulong? Neknek natin!

Pero ang dapat sisihin sa ismagling ng bigas ay itong mga tiwali sa NFA at BOC. Matagal na ang palusot sa bigas pero bakit ngayon lang pinag-uusapan?

Malaking pera ang pinag-uusapan sa ismagling sa Pilipinas.

Ayon sa non-government organization na Global Financial Integrity, mula taong 1960 hanggang 2011, nasa P18.4 trilyon na ang nadudugas ng mga ismagler. Kaya huwag magtaka kung bakit maraming nagpapakamatay na maluklok sa BoC.

The post I-VERIFY MO! appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>