Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAKIT GUSTO NANG WAKWAKIN SI ERAP?

$
0
0

NATS TABOYMATAPOS bumalik sa bansa para umano tumestigo sa pork barrel scam, isinasangkot ni Ruby Tuason ang pangalan ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada. Ano ba ang kinalaman ni Erap sa scam na ‘yan?

Si Tuason ay kasama sa kinasuhan ng plunder ukol sa Malampaya fund scam. Hindi kasali si Erap. Pero si Sen. Jinggoy ay kasama sa plunder case pati si Sen. Juan Ponce Enrile.

Si Tuason daw ang tagakuha ng komisyon nina Jinggoy at Enrile.

Itinanggi ni Erap ang sinasabi sa media ni Justice Secretary Leila de Lima na social secretary niya si Tuason. Halatang gustong kaladkarin si Erap. Ang mabanggit sa isang kaso ang pangalan ay masakit na.

Bugbog na sa isyu ng pandarambong si Erap. Nakulong siya at na-convict dahil umano sa paglustay ng pera galing sa jueteng.

Paano naging pandarambong ng pera ng bayan ang paglustay sa pera na galing sa jueteng?

Mali na agad ang kaso laban kay Erap. Peronagtagumpay ang mga nagkaso sa kanya kasi’y sila ang nasa kapangyarihan. Plinanong lahat ang pagpapatalsik kay Erap sa poder pati ang pag-convict sa kanya.

Ngayon, muling kinakaladkad ang dating Pangulo. Bakit naman po?

Baka natatakot ang administrasyon na tumakbo uling Pangulo si Erap. May tulog sila sa kasalukuyang alkalde ng Maynila.

Noong 2010, kamuntik pang masilat si PNoy.

Sino ang mag-aakala na magiging No. 2 si Erap. Ang akala ng lahat ay laban iyon nina PNoy at dating Sen. Manny Villar.

Hindi ba dapat, e, si Vice President Jejomar Binay ang winawakwak dahil ang pangalawang Pangulo ang mas lantad na tatakbo sa halalag pampanguluhan sa 2016? Mukhang nakaaamoy ang administrasyon sa timpla ng oposisyon para sa 2016 presidential elections.

Nagsimula ba ito sa pagdalaw ni Erap kay dating Pangulong Gloria Arroyo na naka-house arrest sa Veterans hospital? Bukod kay Erap, marami pang malalaking personahe sa pulitika ang dumalaw kay GMA.

Idagdag pa ang narinig na sinabi ni Erap ukol sa bago niyang iniidolo na si Douglas McArthur. Kilala si McArthur sa sinabi niya noong ikalawang digmaan na “I shall return.”

Kung isa itong “Erap joke”, aba’y hindi nga dapat matawa ang Malakanyang, lalo na sina NoyMar.

The post BAKIT GUSTO NANG WAKWAKIN SI ERAP? appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>