SUNOD-SUNOD ang mga kasong rape at panghahalay na may pagpatay sa mga paslit.
Ano na ang nagaganap sa moralidad ng mga kalalakihan? Ano-ano ang mga dahilan para maging demonyo ang mga ito at itinutuon ang kanilang makamundong pagnanasa sa mga walang kalaban-laban na nilalang?
DROGA AT PORNOGRAPIYA
Dapat sigurong pag-aralan nang husto ng mga kinauukulan ang mga ugat ng pagiging demonyo ng mga kalalakihan sa mga paslit upang makatugon ang mga ito nang nararapat.
May mga kasong kasinluma ng sangkatauhan ang paggawa ng krimen at kitang-kita ito sa mga panghahalay kahit noon pang panahon ni Kristo. Kasinluma nito ang impluwensiya ng alak sa makademonyong gawain ng mga lalaki.
Pero higit na nagkakainteres tayo sa kaugnayan ng krimen sa droga at pornograpiya.
Tinutukoy nating pornograpiya ang mga naka-video na pakikipag-sex na available sa internet, DVD, VCD, cellphone at tablet.
Alin sa mga nasabing problema ang higit na nakararami sa mga kasong panghahalay sa mga paslit? Kung droga at pornograpiya, kailangang kumilos nang nararapat ang mga kinauukulan.
MAHIGPIT SA DROGA
Kung mauugat ang maraming kaso sa droga, dapat na pukpukin ng pamahalaan ang mga ahensya at tauhan nitong lumalaban sa droga.
Pukpukin silang kumilos nang todo. Ganito rin dapat sa usaping pornograpiya, kung malaki rin ang impluwensiya nito sa mga kaso.
KAHIT SAAN NAGKALAT
Nasa 70 porsyento ng mga krimen ang nauugat sa droga, kasama na ang mga kasong rape na may pagpatay. Patunay na rin ito ng sinasabing nagkalat na ang droga sa buong Pinas.
Nangangahulugan lang ito ng kabiguan ng pamahalaan na kontrolin ang droga sa buong Pinas. At kasinu-ngalingan ng mga drug free na lugar.
PAMBABANGKETA SA DROGA
Napakalaking anomalya ang pambabangketa sa mga kasong droga. ‘Yun bang === nanghuhuli ang mga awtoridad ng mga nagtatanim, gumagawa, nagpapalaganap at nagtutulak ng droga pero pinepera lang ito.
Nakapagtataka namang bibihira ang mga kasong naisasampa laban sa mga awtoridad na gumagawa nito.
Bulong pa nga ng ating uzi, may mga kasong inililihim sa mata ng madlang pipol at nabubunyag na lang ang mga ito kung may nagrereklamo sa media.
DETENTION CENTER: PUNO, BAKANTE
Para maging malinaw, isa sa mga naoobserbahan ng mga mamamayan ang pagkapuno ng mga detention center ng mga tulak at druglord sa gabi. Pero pagdating ng umaga o araw, walang laman ang mga ito.
Kung mayroon man, walang iba kundi ang mga hindi pa nakapagbibigay ng lagay.
Ito ang isang uri ng pambabangketa na nakatatakot sapagkat inilalantad nito ang katotohanang pinepera ng mga awtoridad ang droga.
At nagiging dahilan na rin ito ng tuloy-tuloy na paglaganap ng droga hanggang sa aabot ito sa mga kasong panghahalay at pagpatay.
SEX VIDEO KAHIT SAAN
Gaya ng droga, nagkalat din ang mga DVD, internet, cellphone, tablet at iba pa na naglalaman ng mga pelikulang pakikipagtatalik at paraan ng panghahalay, kabilang na ang ukol sa mga bata.
Dahil sa nabibili ang lahat ng ito kahit sa tungki ng ilong ng mga awtoridad, naririyan kung ganoon ang kalagayang nagtutulak ng kalibugan na walang pinipili na biktima.
Kung may pinipili man, walang iba kundi ang mga walang kalaban-laban gaya ng mga paslit.
HULI-BENTA
Laganap din ang pambabangketa rito, mga Bro, lalo na ang mga DVD at VCD.
Napakaraming sumbong ang dumarating sa atin na masipag na manghuli ang mga awtoridad pero binabangketa nila ang mga vendor. Ang mga nakukumpiskang DVD at iba pa ay karaniwang ibinebenta ng mga awtoridad.
BABOY SA TUNGKULIN
Dapat na makilala ang lahat ng mga awtoridad na nambababoy sa kanilang mga tungkulin sa droga at pornograpiya sa CD at DVD.
Pagkatapos, dapat na agad silang masampahan ng kaso, masuspinde sa trabaho at mabilis na malitis.
Hindi dapat na binibigyan ng tsansa na magbabong-buhay ang mga ito at matapos silang mapatunayang nag-kasala, dapat silang makulong at matanggal sa serbisyo.
MONEYOBRA SA KASO
Isa sa mga anomalya sa laban sa droga at pornograpiya ang pagsasampa ng kaso na nagbubunga ng paglaya ng mga kriminal.
‘Yun bang === sa halip na sampahan ng mga tunay na kaso ang mga ito, ibinababa ang krimen ng mga ito sa antas na makapagpiyansa ang mga ito. Meron ding kunwaring asset pero pinalalaya ang mga ito kapalit ng malaking pera.
Pero nasa likod ng lahat ng ito ang pambabangketa o pamemera sa krimen na dahilan ng tuloy-tuloy na paglaganap ng mga ito hanggang sa, inuulit natin, magiging biktima ang mga paslit ng mga panghahalay na may pagpatay.
MABILIS NA KATARUNGAN
Mabilis na katarungan ang nararapat na ilapat sa mga tarantadong ito. Kung puwede lang sana, ‘di aabu-tin ng siyam-siyam ang panghuhuli sa mga ito, pagsasampa ng kaso, paglilitis at paggawa ng desisyon hanggang sa Supreme Court.
Kung magagawa lang ang lahat ng ito, malaking krimen sa mga kababaihan, sa mga paslit, ang mababawas at magkaroon tayo ng tunay na katahimikan at normal na pamumuhay.
Nasaan na nga pala ang parusang bitay na nararapat sa mga halang ang kaluluwa rito?
oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.
The post RAPE SA MGA PASLIT, DROGA, PORNOGRAPIYA, ALAK appeared first on Remate.