Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NABILAUKAN KA RIN BA?

$
0
0

sibol5ISANG balita ang lumabas sa dyaryo at napanuod sa TV tungkol sa pahayag ni Palawan Governor Jose Chavez Alvarez na hindi na magbibigay ng scholarship ang kanyang administrasyon sa mga mahihirap na estudyante ng Western Philippines University (WPU) sa Palawan.

Marami ang nabilaukan at nagulat sa tahasang pahayag ni Gov. Alvarez. Sabi sa newspaper report, nagulat daw ang mga opisyal ng WPU sa biglaang desisyon ng kanilang gobernador. Bakit kamo. Dahil daw opisyal na tumutol ang pamunuan ng unibersidad sa itinatayong coal-fired power plant sa Aborlan, Palawan. Pansamantalang itinigil ang konstraksyon ng kontrobersyal na planta dahil sa environmental issues na inilatag ng mga residente.

Hindi raw itinago ni Gov ang kanyang galit ng tanggalin nito ang kanyang scholarship program dahil kinokontra ng WPU ang planta na pag-aari ng DMCI, ang parehong kompanya na nagpatag naman daw ng isang bundok sa probinsya ng Zambales dahil naman sa operasyon ng pagmimina ng nasabing DMCI.

Suportado ni Governor Alvarez ang coal plant ng DMCI sa Palawan at bilang makapangyarihang gobernador ay ipinagutos niya na pagkaitan ng scholarship ang mga mahihirap na mga estudyante ng isang pamantasan na naglakas-loob na magpahayag ng kanilang opinyon at saloobin na kontra sa gustong mangyari ng kanilang lider.

Personal na pag-aari kaya ni Gov ang perang ipinamumudmod niya sa mga mahihirap niyang mga constituents kaya puwedeng-puwede niyang bawiin kapag hindi pabor sa gusto niya ang saloobin ng kanyang mga nasasakupan? Marami nga kaya ang nabilaukan sa inasal ni Gov?

Pero kung pera man niya yun na personal, bakit parang sa kanyang ginawa ay hindi hinihikayat ng administrasyon ni Alvarez ang kabataan ng Palawan maging ang lahat ng mamamayan doon na gamitin ang kanilang kalayaan sa isang demokratikong komunidad na malayang ipahayag ang kanilang saloobin.

Freedom of speech and expression ang sabi ng ating Saligang Batas. Dahil ba suportado ni Gov ang mayamang DMCI ay kakatiguhin na niya ang mga mahihirap niyang mamamayan na naglakas-loob na tumutol sa kanya?

Paano kung ganito ang practice ng mga gobernador sa buong bansa. Ano na nga ang tawag sa ganitong nakakabilaok na asal? Nakakatakot. Nakakadismaya.

The post NABILAUKAN KA RIN BA? appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Lagarto para colorear


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>