INUMPISAHAN na ang paggawa ng Skyway na magdidikit ng south at north expressways. At inumpisahan na rin ang pagre-repair ng EDSA from Pasay to Caloocan.
Pero ang plano kung paano hindi maaapektuhan ang mga estudyante at mga pasahero ay ngayon lamang pinag-uusapan.
Matalino naman ang mga namamahala ng gobyerno ni Pangulong Noynoy, at natititiyak ko ring mas matalino rin ang ating Presidente.
Hindi ko tuloy mawari kung anong katalinuhan ang nag-udyok sa ating Pangulo na pagsabay-sabayin ang construction at reconstruction ng Skyway at EDSA.
Ang gusto ng mga matatalinong nagpapaandar ng ating gobyerno ay apat na araw na lang daw mag-aral ang mga estudyante ng Metro Manila para mabawasan ang traffic.
May isa ring nakababaliw na proposal.
Ilipat na lang daw ang mga paaralan sa labas ng Metro Manila para ma-decongest ang Kamaynilaan.
Mayroon ding nagsasabing apat na beses sa isang linggo magtrabaho ang mga empleyado sa kadahilanang makatutulong ito sa paggaan ng traffic sa ating lungsod.
Mga matatalinong suggestion ito, mga suggestion na dapat ay mabuti nilang pinag-aralan bago pa inumpisahan ang pagtatayo ng isang mahabang Skyway at pagkumpuni ng EDSA.
Kung sakali mang manaig ang mga suggestion na ito, ano kayang kalituhan ang ating mararanasan? At lumuwag naman kaya ang biyahe sa dalawang lansangang ito?
Siyempre, ma-traffic pa rin sa ilalim ng bagong Skyway maliban kung Mahal na Araw. Ang mahal yata ng ticket sa Skyway.
Siyempre, lalong bibigat ang traffic sa university belt maski na gibain pa ang mga paaralan na ililipat sa labas ng Metro Manila.
At maski na apat na beses na lang sa isang linggo ang pagpasok ng mga estudyante.
Bakit kaya hindi muna pagtuunan ng gobyerno ang isang mas matipid na paraan, katulad ng paghuli sa mga kolorum at mga smoke belcher na public utility vehicle na naglipana sa kalye?
The post NAKANGINGITNGIT NA TRAPIK appeared first on Remate.