Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LABAN PA RIN SA CYBER LIBEL AT FOI IPASA NA

$
0
0

_benny antipordaKINATIGAN na ng Supreme Court (SC) ang cyber libel na nilalaman ng Anti-Cybercrime Law.

Sa ibang salita, pupuwede nang magdemanda ng libelo ang nag-aakalang sinisiraang-puri siya sa pamamagitan ng internet.

HANGGANAN NG LIBELO

Nilinaw ng Hukuman na tanging ang may-akda o may gawa ng malibelong pahayag o video ang makakasuhan. Hindi kasali ang mga magla-like, magse-share, magre-retweet, magkokomento at iba pang mga reaksyon.

Pero sino ang makapipigil sa mga magdedemanda na idamay ang lahat na gusto nilang idamay?

At dito magkakaroon ng malawak na perwisyo, lalo na kung magpapalabas ng subpoena ang piskalya o huwes na roon nakasampa ang demanda. Sasabihin lang ng magdedemanda na may conspiracy, napakahirap nang makapaghugas-kamay ang isang idedemanda.

Tiyak na kukuha siya ng abogado at perwisyo ang paniningil ng mga abogado na napakatataas na acceptance fee at iba pang singilin nito sa pagharap sa piskalya at hukuman upang idepensa ang idinidemanda.

PARUSA ‘DI MALINAW

Ang isang usapin pa rito ay ang parusa sa cyber libel. Walang sinasabi ang Anti-Cybercrime Law na eksaktong parusa sa cyber libel.

Pero ang iba’t ibang krimen na sakop ng batas na ito ay halos mabibigat ang parusa at katumbas ng parusa sa pagpatay ng isang tao.

‘Yun bang === pagkabilanggo ng anim na taon at isang araw hanggang 12 taon habang mas mabigat pa ang parusa sa iba. Hindi ba ganito rin kabigat ang parusa sa isang nagkasala ng cyber libel?

PROBLEMA SA DOUBLE JEOPARDY

Sinasabi ng SC na hindi pupuwedeng birahin ang isang nililibelo ng double jeopardy o doble parusa sa iisang krimen.

Pero sino ang makapipigil sa isang magdedemanda sa pagsasampa ng kaso kaugnay ng Anti-Cybercrime Law at kaugnay ng Revised Penal Code na may sariling batas para sa libelo?

Nasa isip natin, mga Bro, ang mga kolumnista na lumalabas ang kanilang mga kolum sa internet at diyaryo, radio at telebisyon.

Kung magkakaiba ang parusa sa ilalim ng Anti-Cybercrime Law at ng Revised Penal Code at dahil magkakaiba rin ang mga danyos, perwisyo na itinatakda ng dalawang magkahiwalay na batas, tiyak na doble demanda ang gusto ng mga magdedemanda.

Ulit, perwisyo talaga ang daranasin ng isang malilibelo, kahit sa paghiling ng pagpapairal ng prinsipyo ng double jeopardy sa piskalya at hukuman sa mahal ng serbisyo ng mga abogado.

LABAN SA KONGRESO

Bibihira na baliktarin ng SC ang mga desisyon nito bagama’t sa napakaraming pagkakataon ay pasirko-sirko ito gaya ng naganap sa kaso ng cityhood ng maraming munisipyo nitong nagdaang mga taon.

Kaugnay ito ng posibilidad na mag-motion for reconsideration ang mga nagsampa ng kaso laban sa cyber libel at sa nasabing batas at hilingin sa Hukuman na ideklarang labag sa Saligang Batas ang nasabing usapin.

Sakaling hindi makinig sa motion for reconsideration ang mga mahistrado, may natitira pang hakbang ang mga kontra sa cyber libel.

‘Yan ang pagpunta nila sa Kongreso at itulak ang mga kongresman at senador na tanggalin ang cyber libel.

Sakaling magtagumpay tayo rito, walang magagawa ang mga mahistrado kundi sumunod sa batas.

SIBAKIN BILANG ISANG KRIMEN

Pagpunta natin sa Kongreso, dalawa ang maaari nating kahilingan sa mga mambabatas.

Burahin ang cyber libel bilang isang krimen at maaaring danyos perwisyo na lang ang hilingin ng nag-aakalang siniraang puri siya.

Maaari ring hilingin na tanggalin na lang ang cyber libel bilang pagtalima sa buong karapatan ng mga mamamayan na maglabas ng kanilang mga saloobin o paniniwala o karanasan sa anomang usapin.

Pinakamaganda ang huli para mabigyang laya ang lahat na maglabas ng katotohanan at hindi kasinungalingan, lalo na sa mga kuwestiyonableng transaksyon ng mga opisyal ng gobyerno.

FREEDOM OF INFORMATION

Kung ayaw makinig ng mga mahistrado sa MR at ayaw ng mga mambabatas na burahin ang libelo o i-decriminalize ito, dapat na isabay na nilang mga mambabatas ang pagpasa sa panukalang batas sa kalayaan sa impormasyon o freedom of information.

Kung maipapasa bilang batas ang FOI, magkakaroon ng ebidensya ang mga mamamayan at mamamahayag ukol sa kanilang mga isinusulat o inihahayag sa online o internet, pahayagan, radyo at telebisyon.

At dito, magtatagisan ng karapatan ang mga magdedemanda at idedemanda sa libelo. Matibay na depensa ng mga idinedemanda ng libelo ang mga hawak nitong ebidensya na makukuha nila sa bisa ng karapatan sa impormasyon.

INAAMAG NA PANUKALA

Ang problema, mga Bro, inaamag na ang panukala para sa FOI, lalo na sa Kamara.

Sabi ng mga senador, sa kalagitnaan ng taong ito, mabubuo at maipapasa na nila ang kanilang bersyon sa FOI.

Pero ang sabi naman ni Speaker Feliciano Belmonte mismo, maaaring maipapasa nila ang panukala sa katapusan ng kanilang termino.

Ano ang kinatatakutan ng mga hinayupak na kongresman sa pagbibigay-kalayaan sa mga mamamayan na umalma sa lahat ng mga transakyon sa gobyerno ng mga opisyal at tauhan ng pamahalaan?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

The post LABAN PA RIN SA CYBER LIBEL AT FOI IPASA NA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES