ANG Maynilad Water Services, Inc.’s (Maynilad) Corporate Quality, Environment, Health and Security (CQEHS) head na si Francisco Arellano ay nagsalita sa Water O & M Asia conference sa Jakarta, Indonesia.
Siya ang tanging Filipino water expert na sumali sa conference, kinatawan ni Francisco Arellano ang Maynilad’s initiatives sa pagpapababa ng carbon footprints gayundin ng pagpapababa ng non-revenue water and watershed management.
Kasama ni Franciso Arellano ang mga water expert mula sa Indonesia, Malaysia, Singapore at ng United Kingdom.
Ang Water O & M Asia 2014 ay dinisenyo para sa mga water professional and utility operators upang matugunan ang mga kritikal na issues na nakaaapekto sa katatagan ng O & M sa imprastraktura at pangangalakal.
Pinagkaisa rin niya ang mga namumuno sa industriya mula sa utilities, public authorities and key policy makers nang sa gayon ay agad matugunan ang madaliang pangangailangan upang mapaunlad at mabago ang management practices sa kabila ng papataas na operasyon at panustos sa pagpapatakbo rito upang matamo ang financially sustainable operations.
-oOo-
PASIG RIVER FERRY BUBUHAYIN NG MMDA
BUBUHAYING muli ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang Pasig River Ferry System sa lalong madaling panahon.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, malaking kabawasan sa bigat ng trapiko ang ferry system lalo’t uumpisahan na ang mga infrastructure project sa Kamaynilaan.
Ani Tolentino, posibleng private sector ang magpapatakbo sa ferry system dahil hindi trabaho ng pamunuan ang mga bangka.
Hindi tiniyak ni Tolentino kung kailan ang eksaktong pag-uumpisa ng operasyon, ngunit pipiliting maumpisahan sa lalong madaling panahon upang may magamit na alternatibong sasakyan ang mga commuter.
AKSYUNAN NINYO AGAD, CHAIRMAN TOLENTINO! Ang napansin ng inyong lingkod, lagi na lang PPP (Power Point Presentation), ang gaganda ng plano ninyo pero mas tumindi ang traffic sa Metro Manila.
The post NAKILAHOK ANG MAYNILAD EXECUTIVES SA JAKARTA GLOBAL WATER EXPERTS appeared first on Remate.
