Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

‘NO LIES’ DAW SA PMA AT NO POLICY SA TAKE NG QCPD

$
0
0

burdado-jun-briones2SUMABIT pa talaga ang isang kadete kahit nasa huling yugto na ito ng apat na taong paghihirap sa Philippine Military Academy sa Baguio City.

Ang tinutukoy natin ay si Cadet First Class Aldrin Jeff Cudia na nakatakda na sanang magtapos sa darating na buwan.

Ang kasalanan kung bakit sinibak si Cudia? Ang pagsisinungaling daw nito!

Na-late kasi, parekoy, ng dalawang minuto itong si Cudia at ilang kaklase dahil sa naunang klase ay hindi agad sila pinakawalan ng professor.

Nang tinanong kung bakit sila na-late, ang sagot ni Cudia ay “late na kaming pinakawalan.”

Ayon, sibak ang kawawang kadete. At ikinulong pa umano ito ng isang buwan na bawal ang dalaw!

Dahil ang dapat daw isinagot ni Cudia ay “pinaghintay pa kami” (ng naunang professor).

King-ina, ano ang pinagkaiba ng mga ‘yun?

Kaya na-late dahil pinaghintay, at dahil pinaghintay kaya na-late! Oh, alin ang kasinungalingan du’n?

Sandali, parekoy, mariin daw pala kasi ang “honor code” sa PMA na “we cadets do not lie, cheat, steal…” Anooo? Talaga bang nasusunod ng mga PMA’er ang “honor code” na ito?

Hanggang sa paglisan ba sa akademya ay naipamumuhay nila?

Susmaryosep, parekoy, ang sabihin pa lang na hindi sila nagsisinungaling ay isa nang malaking kasinungalingan!

Hindi nandaraya? Hindi nagnanakaw? Langya palang “honor code” na ‘yan, ahhh.

In short, ang mga kadete pala ay mas matino kaysa mga pari? Mas masunurin kaysa mga Obispo? Mas malinis kaysa Santo Papa?

At hamak na mas sagrado kaysa mga Santo? Hak, hak, hak, langit na pala ‘yang PMA academy? Eh, bakit impyerno ang inabot ni Cudia? Hmp!

Sandali, mga parekoy, itanong nga natin kina dating Heneral Ligot at Garcia kung hindi ba sila nagnakaw, nagsinungaling at nandaya! Opps, nasa Bilibid pa nga pala si Gen. Garcia dahil sa pagnanakaw! Si Ligot naman ay papasok pa lang sa kulungan! Hek, hek, hek!

-o0o-

SA sugal sa buong erya na sakop ng Quezon City Police District, mayroon na palang bagong kalakaran.

Ito, parekoy, ang ibinulgar ng mga tauhan ng isang gambling lord na si Pinong. “No policy” na raw basta “take lang nang take” itong nagpapakilalang collector ni QCPD Director C/Supt. Richard Albano! He, he, he, puwede!

Anong say mo, NCRPO Chief, Pol. Dir. Carmelo Valmoria? Gusto mong makumpirma ito, sir? Magpahuli ka ng tauhan sa bookies at lotteng ni Pinong at sila ang magkukumpirma sa iyo!

Subukan mong i-try!

Hak, hak, hak!

Reklamo? 09163902686

The post ‘NO LIES’ DAW SA PMA AT NO POLICY SA TAKE NG QCPD appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Conejos para colorear


Lagarto para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


Tiburon para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Problema Quotes – Pera Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>