BIBIGYANG daan muli ng Lily’s Files ang ilan sa mga tambak na mga text messages at nag-email ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa kanilang kahilingan at proteksiyon.
Kung anoman ang mailalathala ng pahayagang REMATE, iyon po ang nakasaad sa kanilang mga padalang messages at email sa Lily’s Files column natin at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.
Good day. Opinion lang po. Sa aking palagay, hindi makatwiran ang naging desisyon ng Supreme Court hinggil dito sa cybercrime law dahil una, ang batas na ito ay pumapabor sa mga maiimpluwensiyang tao at kilalang personalidad ng ating lipunan. Ikalawa, kapag naipatupad na ang batas na ito, magkakaroon na ng limitasyon ang ating netizens para pulaan at magpahayag ng damdamin gamit ang social media laban sa ‘di makataong pagtrato ng mga matataas na opisyal ng ating pamahalaan.
Itong batas na ito ang sisikil sa karapatang pantao ng bawat mamamayan. Hindi na tayo magiging demokratikong bansa kung ito’y ipatutupad ng ating gobyerno para alisin ang iba nating karapatan na nakapaloob sa ating Saligang Batas.
Salamat po. …0932_2_4_5_.
Good day po, Ma’am Lily. Bago ang lahat, gusto kong iparating n’yo sa hepe ng pulis ng Novaliches ang aking pagbati dahil sa pagbisita ko rito sa sa Nova, ngayon ko lang nakita na maayos at ‘di buhol-buhol ang trapiko.
Isa po akong balikbayan at sa aking pagbabalik ngayon ay nagulat ako sa ganda ng Nova. Walang vendor na nakakalat at, higit sa lahat, hindi matrapik, maliban na lang po sa may kahabaan ng Quirino Highway na hanggang ngayon ay sanga-sanga pa rin ang trapik.
Congratulations po sa hepe ng pulisya rito sa Nova, saludo ako kung sino ka man, ang galing mo. Nalinis ang lugar namin. 0918_7_1_7_.
Lily’s Files: Maraming salamat po sa text ninyo, ma’am/sir, hayaan po ninyo at ipararating ko ang inyong papuri sa hepe ng Novaliches Police Station 4 ng QCPD na si Supt. Norberto Babagay .
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09087230036.
The post ANG PULIS, PISKAL AT SEKYU appeared first on Remate.
