HINDI sang-ayon si Sen. Jinggoy Estrada sa pahayag ni Sen. Teofisto Guingona na ang binitiwang mga pahayag ni “whistleblower” Ruby Tuason ay maituturing sa basketball na “three point play.”
Ayon pa sa “artistang” si Jinggoy, mas maituturing ito na isang “offensive foul!”
King-ina talaga, parekoy, itong mga onorabol nating mambabatas, kahit itinuturo na ng kanilang mga kasabwat sa pangungulimbat ay pilit pa ring pinipihit ang isyu.
Heto, ha.
Kung hindi totoo ang mga isiniwalat ni Tuason na maging siya ay nagkaroon ng komisyon sa sabwatan ng pandarambong nina Jinggoy at Napoles, eh, bakit handa siyang (Tuason) isauli ang kanyang milyones na naparte?
Ahh, ibig bang sabihin ni Jinggoy ay ordinaryong “two point shot” lamang ang dapat na iskor sa “shoot” ni Tuason?
Aba, eh, Jinggoy plus Napoles plus Tuason.
Ilan ‘yun? Hak, hak, hak!
O, baka naman gusto ni Jinggoy, dahil maituturing na “free throw” dahil libre o walang gwardya naman sa Senado ang nasabing salaysay ni Tuason kaya “one point” lang.
In short, si Napoles lang ang idiriin!
Wala, parekoy, matinding basketball na talaga sa Senado ang inaabot ng sambayan.
Tingnan ninyo ang ginawa ni Sen. Jinggoy, matapos ideklarang mali si Sen. Guingona sa “three-point shot” ni Tuason ay bigla pa itong nag-assist para mapunta sa ibang senador ang bola.
‘Yun nga lang, agad na nagreklamo si Sen. Trillanes.
Kasi nga naman, “blind pass” ang ginawang ito ni Jinggoy!
Hak, hak, hak!
Puro lang naman pala kayo laro riyan, magsilayas kayo!
Tsupiii!
-o0o-
HINDI natin tiyak kung sa mga sandaling ito ay si Col. Nana pa rin ang nakaupo bilang OIC ng Manila Police District.
May info kasi, parekoy, na iuupo na si C/Supt. Gilbert Cruz bilang bagong MPD Director.
Sinoman sa dalawang opisyal na nabanggit ang may hawak ng renda ng collection, este, renda ng kapulisan sa Maynila, isang bagay lang ang tiyak.
Na ang iligal na sugal sa Maynila ay pinaghaharian pa rin ni Boy Abang.
Si Boy Abang ang nagyayabang na hindi kayang ipatigil ang kanyang bookies ng karera at lotteng dahil rekta siya kay Erap!
Aha, may kadikit na naman palang gambling lord si Erap!
Nakalimutan na yata ni yorme ang nangyari sa kanila ni Chavit Singson!
Ang dating kadikit niya na gambling lord ang siyang dahilan ng kanyang purgatoryo!
Hak, hak, hak!
Opps, namamayagpag pa rin pala ang video-karera ni Gina Gutierrez sa lahat ng sulok ng Maynila!
o0o
Reklamo? 09163902686
The post ‘BLIND PASS’ NI JINGGOY AT SUGAL PA RIN SA MPD appeared first on Remate.