Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANG HALAGA NG SALITA NG ISANG KADETE NG PMA

$
0
0

ILANG araw na laman ng mga balita at usap-usapan ng mga netizens ang tungkol sa isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA).

Napa-ulat na maaaring hindi makapatapos sa prestihiyosong paaralan si Cadet First class Aldrin Jeff Cudia dahil na-late ito ng dalawang minuto sa susunod na klase.

Ang bawat segundo o minuto kasi na mahuli sa isang activity ang isang kadete ay paglabag sa regulasyon ng Cadet Corps Armed Forces of the Philippines (CCAFP). At ito ay may standard na kaparusahan. A

t gaya ng napaulat, “11 demerits and 13 hours of punishment tours” ang iginawad na parusa sa kanya ng kanyang Tactical Officer sa paglabag sa panunutunan at yun ang pagiging huli niya sa klase. Hiwalay na kaso ang paglabag sa Honor Code.

Ayon sa impormasyon, hindi ang pagiging late ng 2 minuto ni Cudia (na sana’y magiging opisyal ng Philippine Navy) ang naging sanhi ng kanyang masaklap na kapalaran. Ito ay ang diumano’y hindi direktang pagsisinungaling o quibbling ng kadete tungkol sa dahilan ng kanyang pagiging huli kung kaya’t nasalang siya sa pagdinig ng Honor Committee.

Sapagkat ang pagsisinungaling ay isang paglabag sa Honor Code ng PMA Cadets. At kung mapatunayang siya’y lumabag, maaari siyang mag-resign at isalba ang kanyang dangal; o manatili sa PMA at harapin ang ostracism ng mga kapwa kadete. Ano nga ba ang Honor Code at bakit ganun katindi ang parusa sa sinomang lalabag dito?

Ang Honor Code ay isang panuntunan kung saan sumusumpa ang bawat isang kadete ng PMA na, “Kaming mga Kadete, ay hindi nagsisinungaling, nandaraya, nagnanakaw o nagpapahintulot gawin ang alinman sa mga iyon ng sinoman sa amin.” Ang Honor Code at Honor System ay pag-aari ng kadete; para sa kadete; at ipinatutupad ng Honor Committee na binubuo rin ng mga piling kadete na hinirang nila bilang kinatawan. Dahil dito, hindi pinakikialaman ng pamunuan ng PMA ang pagpapatupad nito. Tanging sa pagsisigurong nasusunod ng Honor Committee ang mga nakatakdang proseso gaya ng imbestigasyon, pagdinig at paghatol ang sinasaklawan ng PMA sa pagtatalaga ng isang opisyal bilang Adviser at Officer-in-Charge ng Committee.

Ang proseso ay nakasulat sa isang libro. Inile-lecture bukod sa itinatakdang basahin (assigned readings) sa bawat kadete simula pa lamang sa mga unang araw niya sa PMA. Tanging sa PMA lamang may Honor System at wala ni isa mang paaralan sa Pilipinas ang meron nito. Sa PMA, ang salita ng bawat kadete ay itinuturing na isang deklarasyon at tinatanggap ng walang alinlangan o pagdududa.

Na s’ya namang nararapat para sa mga kadeteng sinasanay at hinuhubog upang magiging mga pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (at ng pamahalaan at pribadong sektor sa hinaharap). Mahalagang bahagi sa paghubog ng kanilang karakter ang matutunan nilang pahahalagahan ang kanilang salita; ang kanilang dangal; at ang tiwalang ipinagkaloob sa kanila. Napakanatatangi sapagka’t sa ilalim ng Honor System, kailangang i-report ng isang kadete sa Honor Committee ang anumang nakita nyang paglabag sa Code. At kung sakali’t siya mismo ay lumabag sa regulasyon at walang nakakita noon, siya mismo ang dapat magreport sa kanyang sarili—sukdulang siya’y maparusahan dahil doon.

Ang Honor Code at Honor System ay niyakap at pinahalagahan ng lahat ng naging kadete ng PMA. Hindi na mabilang ang bumagsak sa mahigpit na panuntunang ito ng mga kadete. Sa mahabang kasaysayan ng PMA, hindi na iilang mag-kapatid o magkaibgan ang nagkahiwalay dahil mismong ang kanyang kapatid o matalik na kaibigan ang nagreport sa kanyang nagawang paglabag — alang-alang sa Honor Code. Minsan pang nangyari na halos kalahati ng mga kadeteng magsisipagtapos ang nag-resign sa PMA matapos mapatunayang lumabag sila sa Honor Code. At sa loob ng mahabang panahon, wala pang sinoman sa labas ng PMA, maging ang Pangulo ng Pilipinas, ang nakialam sa sagradong proseso ng Honor System na mismong mga idealistikong kadete ang nagpapatupad at nagsasanggalang.

Hindi na natin hihimayin ang merito ng kasong ito kahit may impormasyon tayo mula sa loob ng PMA. Ang malinaw, isa na naman itong pagsubok sa kahalagahan at katatagan ng Honor Code at ng proseso ng Honor System sa paghubog ng karakter ng mga kadete ng PMA. Hindi ito isyu ng isang topnotcher na maaaring hindi makapagtapos dahil sa pagiging late ng dalawang minuto. Hindi ito isyu ng pagsasara ng pinto sa kinabukasan para sa isang mahirap na mag-aaral. Ito ay tungkol sa isyu ng sinasabing paglabag sa Honor Code na tumutulong humuhubog sa karakter ng isang magiging opisyal ng AFP. Nasasangkot dito ang isang institusyong bahagi na ng PMA— ang Honor System na sinasabing na-violate.

Walang masama kung aalamin ng pamunuan ng PMA kung may naging paglabag ba o pag-abuso sa kapangyarihan ang mismong Honor Committee na duminig ng kaso ni Cadet 1CL Cudia. At anoman ang kahinatnan ng imbestigasyon, sana ay matanggap ng mga partido ang magiging resulta. Kung nagkasala si Cadet Cudia, dapat magiting n’yang tanggapin ang hatol. At kung nagkamali ang mga bumubuo ng Honor Committee, sila ang dapat tumanggap ng karampatang parusa at ibalik kay Cadet Cudia ang nararapat ay sa kanya.

Dapat na igalang ang sistema na nagbibigay halaga sa salita ng isang kadete ng PMA na hinuhubog upang sa kanilang mga balikat ipaubaya: ang buhay ng mga sundalo; ang pagsasanggalang sa mga mamamayang Pilipino; at paggamit ng mga sandata ng Armed Forces of the Philippines.
(Para sa inyong reaksyon o komento: edarevalo90@yahoo.com; o i-tweet sa atty_edarevalo)

The post ANG HALAGA NG SALITA NG ISANG KADETE NG PMA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>