Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NILILITO ANG PINOY NI PNOY

$
0
0

pakurotANO na naman ang dahilan ni Pangulong Benigno Aquino III at nais niyang sa ibang lugar gunitain ang pagdiriwang ng People Power Revolution sa halip na sa orihinal na lugar nito sa Edsa? Makatarungan ba na gawin ito sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda kung saan libo-libo ang nawalan ng buhay at kabuhayan?

Tigilan na ni Pang. Noynoy ang pagsasabi na ang dahilan ay nais niyang makasama ang mga biktima ng malupit na kalikasan dahil wala naman itong katotohanan. Kung nais ni Pang. Aquino na makasama ang mga ito para maipakita ang kanyang pagdamay ay noon pa sana at hindi ngayong halos nakababangon na ang karamihan sa mga ito sa tulong ng mga dayuhan at pribadong tao.

Ano ba ang naitulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga itinalagang pagkakatiwalaan ni PNoy? Aba’y karamihan nga sa mga ito ay talagang pinagkaperahan pa. Paano nasasabi ng Pangulo at mga asungot nito na nakatulong sila sa pagbangon ng mga biktima gayong marami pa hanggang ngayon ang nagpoprotesta sapagkat sa halip na matulungan sila ay naging biktima pa sila.

Wala nang maipagmamalaki pa ang administrasyong Aquino na nagawa sa Pilipinas. Ay mali pala, may nagawa pala sila — ang lalong maghirap ang mahihirap at magkamal ng salapi ang mayayaman, lalo na ang miyembro ng KKKK na tumutugon sa Kamag-anak, Kaibigan, Kaklase at Kabarilan.  Sa halip na umasenso, lalong nababaon sa kahirapan ang bansa. At upang huwag masyadong mabuking, nililito ni PNoy ang mga Filipino.

Teka nga. Hindi kaya natatakot lang si PNoy na magkita-kita sa “salubungan” ang mga personalidad na gumanap ng mahalagang tungkulin sa People Power Revolution? Eh kung magkaisa nga naman ang mga ito na gawin muli ang People Power at patalsikin si Noynoy. Walang imposible sa panahon ngayon.

Kaya nga dapat maisip ng Pangulo o maging ng mga nagngangatngat sa tenga niya na ayusin niya ang pamamahala sa bansa.

o0o

MASIPAG ang bagong deputy chief ng Manila Action and Special Assignment ni Mayor Joseph Estrada na si Sr. Insp. Ness Vargas, miyembro ng Philippine National Police Academy 2005.

Malaking kaluwagan kay Chief Insp. Bernabe Irinco ang pagkakatalaga ni Vargas na maging katuwang sa operasyon ng MASA operation chief na si Insp. Manuel Laderas.

Noong isang linggo, sinalakay ng MASA ang  Rizal Avenue, Sta Cruz at Gonzalo Puyat sa Quiapo kung saan naaresto ang 16 na nagtitinda ng sex toys. Ang masaklap, isa sa mga naaresto ay kapatid ng barangay chairman at nais na aregluhin. Kaya lang, tablado ang naging laban dahil kailangang bigyan ng leksyon lahat para tigilan na ang kanilang kalokohan.

Belated happy birthday to my precious jewel Althea Mareyaune Bascuguin Cervantes who celebrated her 2nd birthday last Saturday. Baby, may you become a good Christian and follower of good teachings. Mommy Lea loves you very much.

The post NILILITO ANG PINOY NI PNOY appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>