Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DENR NAGBIGAY NG PARANGAL SA 5th PEPP AWARDING CEREMONIES

$
0
0

ang inyong lingkod hilda ongIPINAGKALOOB ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Official Seal of Approval sa 10 industriya para sa kanilang natatanging pag-aalaga ng ating kalikasan noong nakaraang 5th Philippine Environment Partnership Program (PEPP) awarding ceremonies na ginanap sa Sulo Riviera sa Lungsod ng Quezon. Pito sa mga ito ay napapabilang sa makapangyarihan at malaking sektor.

Binati ni DENR Undersecretary Demetrio Ignacio, Jr. “ang mga lumahok na industriya sa pangangalakal na gumawa ng magandang halimbawa sa kanilang environmental performance, hindi man lubos bilang social responsibility program, kundi bilang isang matapat na bahagi ng kanilang operasyon.”

Ngayon ang ika-limang taon ng pagkilala ng DENR sa mga industriya na sumusunod sa ating mga batas, sinabi ni Ignacio na ang proseso ng PEPP  ay nagpakita na “Parami nang parami ang mga kumpanya nagkakagusto at tumatanggap ng mga panukala at pamamaraan na mamalagi sa global at pambansang arena, ito ay kinakailangan upang harapin ang mga hamon ng kapaligiran, na kung saan ay hindi lamang mabuti para sa kapaligiran, kundi nagpapakita din ng business sense.”

“Ito ay nagpapatunay lamang na may self-environment regulation ang mga pribadong sektor, at aming ipinapabatid ang taos-pusong pasasalamat sa mga industriya at sa walang sawang pag-alaga at pagprotekta sa kapaligiran” dagdag pa niya.

Si Director Juan Miguel Cuna ng DENR’s Environmental Management Bureau (EMB) ang nag-organisa ng nasabing okasyon, ay umaasa na ang mga awardee ay magiging modelo at inspirasyon sa iba pang sektor.

Ang mga nagkamit ng parangal ay napili pagkatapos nilang maipasa ang iba’t ibang evaluation stages kasama na ang mga kinakailangang dokumento at site activities kaagapay ang EMB’s regional offices at mga miyembro ng PEPP-Technical Evaluation Committee.

The post DENR NAGBIGAY NG PARANGAL SA 5th PEPP AWARDING CEREMONIES appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.