ANG Track 1 industries ay kinikilala sa kanilang initiatives na higit pa sa pagsunod at paghimok, upang mapabuti pa ang kanilang pagganap na may competitiveness, image at supply chain requirements.
Kinakailangan din na walang kahit anong kaso sa Pollution Adjudication Board sa loob ng tatlong taon bago ang petsa ng aplikasyon. Dapat din nilang sundin ang lahat ng naaangkop na mga batas ng kapaligiran, at mapatunayan at maipakita ang superior environmental performance.
Ang 10 industriya ay ginawaran ng parangal sa ilalim ng PEPP’s “Track 1 Category”
1. Aboitiz Power Hedcor Sibulan, Inc. sa Davao del Sur;
2. Aboitiz Power Hedcor, Inc. sa Benguet;
3. Aboitiz Power Hedcor, Inc. – Talomo Grid ng Davao City;
4. Aboitiz Power Renewables, Inc. – Makiling-Banahaw (Mak-Ban) Geothermal Power Plant ng Laguna;
5. Coca-Cola Bottlers Phils., Inc ng Ilagan, Isabela.
6. Dole Philippines, Inc. pangunahing planta sa Polomo-lok, South Cotabato;
7. Green Core Geothermal, Inc. sa Tongonan, Leyte;
8. Energy Development Corporation – Mt. Apo Geothermal Project sa Kidapawan,
9. North Cotabato; KepcoIlijan Power Corporation sa Batangas;
10. Petron Tacloban Depot sa Leyte.
Ang mga tumanggap sa taong ito ay kabilang na sa 67 na PEPP Track 1 awardees simula nang unang hawakan ng EMB noong 2009 ang DENR Official Seal of Approval para suportahan ang mga industriyang may sariling patakarang pang-kalikasan.
Ang mga industriyang nakatanggap ng nasabing selyo ay naging masaya sa relaks na pagsusumite ng mga kinakai-langang reports, mas mahaba pang validity ng permits, at mas pinasimple pang requirements sa pagkuha ng Compliance Certificate o ECC para sa expansion projects. Ang Seal ay valid ng isang taon.
Nagbigay rin ng tulong ang PEPP sa iba pang establisimyento lalo na sa mga small at medium enterprise o SME sa pagpapalinis ng kanilang mga pagawaan upang makaiwas sa polusyon.
The post SAMPUNG (TRUCK-1) INDUSTRIYA GINAWARAN NG DENR appeared first on Remate.
