MGA texters naman ang ating bibigyang daan ngayon. Dami na. Yung iba nga nangungulit na kaya heto po ang inyong mga mensahe sa aking3310 na selpon.
091……….23: kuya ed, bakit wala man lang yatang pakialam ang PDEA at si Sec. De Lima sa malalang bentahan ng shabu dito sa National Bilibid Prison? Masahol pa sa tiangge dahil may lutuan na ang druglords mismo sa loob. Sagot ko: hindi sila sisikat diyan kosa.
0932…….13: ka ed, akala ko ba matapang si bir chief kim henares? Nabasa ko kolum mo tungkol sa pandaraya ng Toyota, Mitsubishi, Honda at mga kauri nila na car dealers, grabe! Sagot: May nagbulsa na.
092………47: baletodo, hindi totoo na malinis na ang bureau of customs sa smuggling. Tuloy ang ligaya ng mga timawa na ipinagmamalaki mismo ay mga opisyal daw ng Malacanang ang Ninong nila. Sagot: Tama!
091——-16: tama po si mayor erap na dapat sa philippine ports authority compound iparada ang mga malalaking truck na humahango sa mga pier para lumuwag ang kalsada from manila to c-3. Sana isama na ni mayor ang pagpapaalis sa mga iskuwater sa delpan at paligid nito. Tagarito po ako. Sagot: Alis diyan!
0922……22: baletodo, totoo naman na nakakalbo na si noynoy pero ang isisi niya ang kay pangulong Arroyo ang pagkalagas ng kanyang buhok ay kabobohan hindi ba? Maggugo siya. Sagot: baka nanggagago siya?
0917……34: wala na sa piktyur si pork barrel queen napoles, malapit na kasi ang eleksyon. Wala pa rin nakakasuahn sa mga kaalyado ni Aquino, papaano titino ang bayan? Sagot: Wala pong katinuan.
0918…..66: kaming ofws ay Malaki ang ambag sa ating ekonomiya pero ang gobyerno natin ay halos hindi kami nakikita lalo na sa oras ng kagipitan. Ganyan po ba ang bayani sa atin? Sagot: Buhay pa kayo!
YUNG iba po na text messages ay sa susunod na labas ng Baletodo ha. Huwag magtampo. Mahalaga na marinig kayo at isa sa misyon natin na ipaabot ang inyong mensahe sa kinauukulan. Lamang, hindi tayo tiyak kung makikinig sila sa atin. Kung sakaling hindi at ayaw nilang umaksiyon, tayo ang kikilos at lalaban.
Kababasa ko lang ng “shame campaign” uli ng BIR laban sa mga mandaraya sa buwis. Halimbawa nila ay ang mga propesyunal na malalaki ang suweldo pero maliit ang buwis kumpara sa ordinaryong manggagawa. Ang tanong natin, mayroon ba silang naparusahan na mula noon?
Wala pa po. Pinagkakaperahan lang po nang mga tiwal sa Bureau of Internal Revenue! –30–
The post SABI NG BAYAN appeared first on Remate.