ALAM ni Vice President Jojo Binay na sa sandaling tanggapin niya bilang “runningmate” sa 2016 si Sen. Jinggoy Estrada ay tapos na ang kanyang pangarap na maging pangulo ng Pinas.
Dahil tiyak na hahatakin siya ni “Byuti” sa lusak na kasalukuyan nitong kinasasadlakan.
Naniniwala tayo, parekoy, na alam ni Binay na ang 2016 ay napakaiksi para makalimutan ng mga botante na si Jinggoy ay ininguso ni Benhur Luy na nangulimbat ng milyong piso mula sa kanyang PDAF, sa pakikipagsabawatan sa bwakang-inang si Napoles!
At sa tanong kung bakit hindi agad maibasura ni Binay ang pinalulutang nina Jinggoy na Binay-Estrada tandem sa 2016, isa lang ang ating nasisilip na dahilan.
Dahil kung hindi niya kukunin sa 2016 na vice president si Jinggoy ay mapipilitan si “Byuti” na kumandidato na lang bilang alkalde ng Maynila kapalit ng kanyang erpat!
Op kurs, mababakante si Erap . . . Kaya tatakbo na naman itong presidente! Hak, hak, hak!
At kung paghahatian nina Binay at Erap ang boto ng oposisyon o nagngingitngit sa administrasyon ay tiyak na uungusan na sila ni SILG Mar. Roxas! Tsk, tsk, tsk!
In short, hostage ngayon si Binay sa “pakulo” ng mag-amang Estrada. Na kung hindi papartihan ng kapangyarihan ay lalamukusin nila ang “political arena” sa 2016.
Bahala na kung pare-pareho silang matalo nila Binay! Huh!
Ganyan karumi ang pulitika rito sa ating bansa. Na kahit bistado na ang pangungulimbat ay naglilinis-linisan pa rin! King-ina ninyong mag-ama, mamahinga na kayo sa pulitika! Dahil mga pwe kayo! Hmp!
-o0o-
HABANG sinusulat ito ay naghahagilap pa si Calabarzon Regional Director C/Supt. Jesus Gatchalian kung sino ang ilalagay na provincial director ng Rizal bilang kapalit ni S/Supt. Rolando Anduyan.
Ayon sa tawiwit, “wanted” umano ni Gen. Gatchalian sa kwalipikasyon ng ilalagay na bagong PD ay isang opisyal na hindi kayang tuksuhin ng iligal na sugal ni Bong Sola.
Matatandaan, parekoy, na ang noon ay malinis na serbisyo ni PD Anduyan ay biglang nakalikaw dahil sa lantaran at laganap na bookies at lotteng ng gambling lord na si Sola. Na hindi kayang ipatigil ni Col. Anduyan! At siyang dahilan kaya patuloy na umiinit ang kanyang wetpaks!
Tumpak lang po, Gen. Gat-chalian, ‘yang hakbang mo na mag-wanted o maghanap na ng iluluklok na PD ng Rizal kapalit niyang kumpare ni Sola.
Ang problema lang, may opisyal pa kaya na hindi masisilaw sa kamandag ng pera ni Sola? Itanong mo kay Col. Anduyan! Hak, hak, hak!
The post BINAY ILULUBOG NI JINGGOY; RIZAL PD WANTED SA SUGAL appeared first on Remate.

