Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SALI TAYONG LAHAT

$
0
0

sibol5SUWERTE tayo dahil napag-uusapan ang pag-amyenda ng ating Saligang Batas. Ito ang pahayag ni House Speaker Sonny Belmonte.

Mainit na naman ang pagkilos sa Charter Change o ChaCha na patunay naman daw na buhay ang demokrasya, ayon pa rin kay Belmonte.

Pero iba ang ipinupunto ng ChaCha sa pagkakataong ito. Ang mas isyu ngayon ay ang ekonomiya.

Napag-iiwanan na raw tayo ng ibang bansa dahil mahirap ang pagpasok ng mga banyagang negosyo at puhunan sa Pilipinas dahil nga raw sa restrictions ng ating Saligang Batas kaya dapat nang amyendahan para makasabay sa bagong mundo.

Kahapon sa isang panayam, tinanong naman ng mga miyembro ng media si House Minority Leader, San Juan Congressman Ronny Zamora, kung bakit sa palagay niya na sa tagal-tagal ng panahon ay hindi makausad ang ChaCha.

Ang sabi ni Zamora, mali kasi ang paraan na ginagawa sa pagsusulong nito. Hindi raw dapat na ang Kongreso lang ang magdesisyon dahil sa isyu ng tiwala. Dapat daw ay kasali ang buong bansa.

Sa pamamagitan ng Constitutional Convention kung tawagin, dapat bawat isang Pinoy ay matanong sa pamamagitan ng isang plebisito at lahat tayo ay may opinyon at magdedesisyon.

Ang sabi ng isang Kongresista, mahirap daw ang ConCon. Impraktikal at magastos.

Pero kung ang isa sa pinakamalaking sagabal sa ChaCha ay trust issue, hindi ba may basehan ang mungkahi ni Zamora?

Malaki ang gagastusin kung lahat ng taxpayer ay tatanungin tungkol sa desisyon sa ChaCha pero hindi ba at mas maganda kung mas mahal, mas may value at mas hindi lugi ang customers?

Palagay ko ay mas marami na ang nag-iisip na ang ChaCha ay mas mapagkakatiwalaan ng mas marami kung gagawin sa panahon ni Presidente Noynoy Aquino dahil sa hindi natitinag na mataas na trust ratings nito.

Kung talagang ang ChaCha ay para sa pag-angat ng ekonomiya at makabubuti sa lahat ng Pinoy, dapat lang na kasali tayong lahat dito.

The post SALI TAYONG LAHAT appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>