Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PORK BARREL SCAM, ELEKSYONG 2016 AT SULIRANING BAYAN

$
0
0

baletodoITONG huling imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee tungkol sa pork barrel scam na inopera ni JLN Corporation owner Janet Lim-Napoles, kasama ang MARAMING KONGRESISTA sa Senado at Kamara, ay lulutas hindi sa anomalya kundi pagsusulong sa interes pulitikal ng mga tatakbo sa 2016 polls.

Ayaw lang aminin ng ilang aktor at aktres na lumalabo ang kanilang effort to pin daw those charge na nagbulsa raw ng malaking pondo mula sa PDAF. Malaki o maliit na halaga man ang tinanggap hindi lang mula kay Napoles kundi sa mga kauri na pekeng NGO, dapat munang ilabas para parehas ang imbestigasyon!

Sa atin, kung hindi rin lang madiriin si Napoles – sabi nga ni Noynoy Aquino kay Mar Roxas noong sumuko si “Madame JLN” sa Malacañang, “protect her at best”. Asa pa ba tayo? Itigil muna iyan.

Meanwhile, tutukan na lamang ang malalang problema sa Mindanao na humahabang oras ng blackout. Tutukan din ang malalang problema ng kalamidad sa Mindanao, Bohol at Eastern Visayas na dinaluhong ng bagyong Yolanda.

Hindi lang trabaho ito ni President Aquino. Every political leader has his duty to resolve. Ang mga mambabatas natin sa Kongreso ay maaaring tumulong nang todo at gamitin ang “itinago” nilang pork barrel.

Nagpipista ang mga minero sa bansa lalo na ang malulupit na Chinese. Wala ring ginagawa ang DENR. Kung mayroon man, media blitz lang. Ipinatigil raw pero hayun, tuloy ang operasyon na sa huli, sira ang ating kalikasan at wasak ang bansa natin.

Nasisira na rin ang ulo ng mga taga-DPWH, DOTC at MMDA kung papaano aayusin ang masikip na trapiko. Kaya tuloy ang sagot nila – Skyway! Kung tutuusin, alisin lang ang mga kolorum na pampublikong sasakyan, ang mga nakaharang sa lansangan, at ipatupad ang bawat batas trapiko, solved na ang problema.

Pansinin ninyo. Ang usapan ngayon ay sino ang partner ni Presidentiable VP Jojo Binay – si Vilma Santos ba o si Jinggoy Estrada? Sina Alan Cayetano at Antonio Trillanes ang kalaban. Si Mar Roxas at Kris Aquino ang tatapatan. Si Bongbong Marcos at Bong Revilla.

Ayaw namang makinig ni Pangulong Noynoy Aquino III sa kanyang mga tagapayo o maski sa taumbayan na gustong tumulong. Iba siya, eh. Sarili niya ang kanyang pinaniniwalaan. Nakikinig naman siya sa payo, end.

Walang mangyayari sa pork barrel scam dahil pinili lang ang kakasuhan para mawasak sila sa election 2016 habang ang SULIRANING BAYAN ay hindi man lang binibigyan ng kalutasan!

The post PORK BARREL SCAM, ELEKSYONG 2016 AT SULIRANING BAYAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>