NANILBIHAN mula pa sa panahon ng namayapang dating alkalde ng Quezon City na si Ismael Mathay, Jr. itong si Marlowe “Jack” Jacutin, hepe ng Control and Prevention of Illegal Structures and Squatting, hanggang sa kasalukuyang mayor na si Herbert Constantine Bautista.
Mahigit dalawang dekada na rin na trabahador ng Lungsod Quezon itong si Jacutin at talaga namang trabaho kung trabaho ang kanyang ginagawa, kung kaya paborito siya ng kanyang mga naging amo at kasalukuyang amo.
Sa pagsusumikap ni Jacutin, naibsan ng problema sa squatting ang Quezon City at patuloy na ginagawa ang kanyang makakaya upang matupad ang tungkulin kahit pa madalas na malagay sa balag ng alanganin ang kanyang buhay, pati na ang kanyang mga tauhan.
Kaya nga pinilit ng hepe ng COPRISS na magkaroon ng PhilHealth ang kanyang mga tauhan na umaabot na ang bilang sa 35 upang sakaling magkasakit ang mga ito dahil sa exposure sa init at ulan dahil sa trabaho ay sasagot ng kanilang pagpapagamot sa ospital.
Bukod pa rito, gumawa ng paraan si Jack Jacutin na mailapit kay Mayor Bautista na mabigyan ng insurance ang kanyang mga tauhan sapagkat sa tuwing may operasyon sila ay nalalagay sa panganib ang kanilang buhay at kapag minalas ay baka maging kaawa-awa ang pamilya ng mga ito.
Ngayon, lumalakad na ito sa konseho, kaya naman hindi pa man ay nagpapasalamat na si Jacutin sapagkat nais niyang maging legacy ang insurance para sa mga tao nang sa gayon ay magtuloy-tuloy na ito.
o0o
MAGANDA talaga ang epekto ng truck ban sa Maynila kaya nga maluwag ang daloy ng trapiko.
Sana ay magtuloy-tuloy ito kahit pa maraming batikos na nakukuha ang administrasyon ni Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.
Hindi lang matanggap ng mga kritiko na magagawa itong tambalan ng dalawang politiko.
Kapag nagtuloy-tuloy, posibleng madagdag ito sa legacy nina Erap at Isko.
Sana nga ay tularan ng Caloocan City ang truck ban na ipinatutupad sa Maynila sapagkat magiging malaking kaluwagan ito sa daloy ng trapiko, lalo na sa Caloocan Bukid. Nakaiinis na madalas ay siksikan ang mga sasakyan mula sa pampasaherong jeep, bus at truck sa kahabaan ng Gen. Luis St. hanggang Paso de Blas.
Kapag may nasirang trak, aabutin ng dalawa hanggang apat na oras bago makalabas sa lugar na dalawang sasakyan lang ang lapad ng kalsada.
Ang isa pang masakit, kapag sa Sitio Gitna nagdaan, lalo’t araw ng Lunes, ay magigitgit pa ng malalaking trak ang sasakyan.
Okey lang sana kung four wheel drive din ang sasakyang dala mo kaso motorsiklo. Nakakatakot! Bukod pa rito ay mamumura ka pa ng driver ng trak.
o0o
Happy First Communion to my precious jewel, Santiago Lean Pascual, who will receive the body and blood of Christ on March 15. Lean, you can now join Heinrich in doing community service to the church. Always be good.
The post MAGANDA LEGACY appeared first on Remate.
