Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PERANG BAYAN: ‘DI IBIBIGAY SA TAO, SA BABOY PUWEDE

$
0
0

_benny antipordaMAHIRAP ibigay nang direkta ang salaping bayan sa mga biktima ng kalamidad.

Ito ang sinasabi ng pamahalaan habang nasa kasagsagan ito ng programang rehabilitasyon ng mga lugar na biktima ng mga kalamidad sa Kabisayaan at Mindanao, lalo na ang mga nabagyo.

Matatandaang humihiling ang mga biktima ng bagyo na Yolanda ng kahit P40,000 lang para sa bawat pamilya at dito sila magsisimula na mamuhay nang normal.

Pero nagtaingang kawali lang ang pamahalaan.

At ‘yun na nga, sinasabi nitong mahirap magbigay ng salapi sa mga tao, sa mga biktima.

Ngunit nitong huli, baka pupuwede umano.

HAMON ‘YAN

MISMONG si Budget Secretary Butch Abad, mga Bro, ang nagsasabi na pupuwedeng magbigay ang gobyerno ng salaping bayan na direkta sa mga komunidad. Pero sinasabi nito, hamon daw ito sa pamahalaan.

Sabay-sabing walang problema sa salapi dahil may natira umanong P23 bilyon para sa reconstruction noong 2013, may P20B na inilaan para rito ngayong taon at mayroon pang P80B na inaaasahang salapi para sa unprogrammed funds.

Sabi ni Abad, mga Bro, may P30B na nakalaan para sa reconstruction ngayon at dapat umanong maubos ito sa loob ng anim na buwan o unang kalahating taon. Ganun?

Eh, nasaan ang mga palatandaan ng rehabilitasyon, ang paggaan ng buhay ng mga biktima?

MGA PROYEKTO

AYON sa Department of Agriculture, ang mga magsasaka, magniniyog at mangingisda na biktima ng Yolanda ay nangangailangan ng nasa P18B para makabangon mula sa pagkakalugmok ang mga ito.

Andiyan ang paglilinis at clearing  ng mga sakahan, pagputok at pagtabas sa mga puno ng niyog na nadale, pamamahagi ng punla at abono, pamamahagi ng mga gamit sa produksyon, paggawa ng mga bangka para sa mga mangingisda at gamit ng mga ito at pagkayod sa mga putik sa mga kanal ng mga irigasyon.

Tanong: nasaan na ang mga proyektong ito?

Siyempre pa, nagpamigay na ng simbolikong punla si Pangulong Noynoy sa isang pagbisita niya sa isang lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda. Pero pagkatapos nito, ano na ang sumunod?

Sabi ni Sec. Abad, problema talaga ang paglalabas ng salapi.

Sa ngayon, umaangal ang mga biktima kung ang tulong ng pamahalaan ang pag-uusapan. Wala silang nararamdaman na tulong ng pamahalaan para panghabol sa gutom at kahirapan.

Sa mga magniniyog lang, 6-7 taon ang aabutin nila bago nila makitan na magbunga ang kanilang bagong tanim na niyog.

O ‘di ba gutom at kahirapan ang daranasin ng mga ito sa loob ng anim na taon ngunit sinasabi ng gobyerno na mahirap maglabas ng salapi para sa kanila?

MABILIS PA SA KIDLAT

SA kabilang banda, mga Bro, mabilis pa sa kidlat ang paglalabas ng salaping bayan sa kung sino-sino sa pamahalaan at kakosa ng mga ito.

Sinasabi natin na “kung sino-sino sa pamahalaan at kakosa ng mga ito” dahil pinag-uusapan natin ang Priority Development Assistance Fund, Disbursement Acceleration Program, Presidential Social Fund at iba pa na “napakadaling” ginastos at ginagastos ng pamahalaan.

Sa nakalipas na tatlong taon, mga Bro, nagbitiw ang gobyernong kasalukuyan ng halagang nasa P72B na PDAF batay sa nasa P24B na PDAF ng mga senador at kongresman taon-taon.

Ay, mayroon pa ring PDAF (sa ibang anyo nga lang) sa ngayong 2014.

Mula sa taong 2011 hanggang 2013, nagbitiw rin ang gobyerno ng P157 na DAP at wala namang nakaaalam ng kabuuang halaga ng PSF na binitiwan ng Office of the President.

Kita naman ninyo, mga Bro, kung gaano kabilis sa pagbibitiw ng dambuhalang salaping bayan ang mga bosing ng pamahalaan para sa mga opisyal ng pamahalaan at kasabwat ng mga ito sa mga bilyon-bilyong iskam.

Pero makunat pa sa dilang makunat ang mga ito sa pagbibigay ng kahit kaunting ayuda sa mga biktima ng kalamidad.

Anak ng tokwa, napakahirap, napakasalimuot daw kasi ang paglabas ng salaping bayan.

MGA BUNGA NASAAN?

SABI ng gobyerno, talaga namang umunlad nang todo ang mahal kong Pinas dahil sa pagbubuhos ng gobyerno ng PDAF, DAP, PSF at kung ano-ano pang pondong bayan.

Kinikilala na nga tayo ng ibang mga bansa sa walang puknat nating pag-unlad.

Sa katunayan, handa nang magpautang sa atin ang ibang mga bansa at iba pang nagpapautang na institusyon gaya ng World Bank, International Monetary Fund, Asian Development Bank at iba pa dahil may kakayahan na raw tayong magbayad.

Natutuwa na nga rin daw ang mga dayuhang negosyante at balak na ng mga ito ang magtayo ng kanilang negosyo sa mahal kong Pinas.

Nakabili na nga rin tayo ng mga teka-tekang eroplanong panggiyera, mga galing sa junkshop na barko at mga bala at baril.

Lahat ng ito ay ninanamnam na natin, ayon sa gobyerno.

Pero sabi naman ng higit na nakararami, hindi nila nararamdaman ang kaunlaran. Sa halip, nakasusuka na ang nababasa, naririnig at napanood nilang pambababoy sa salaping bayan.

Napakalinaw, mga Bro, ang ginagawa ng mga nasa pamahalaan.

Anak ng pitong putakte, higit na ipinagkakatiwala ng gobyerno ang salaping bayan sa mga baboy at hindi sa mga tao.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

The post PERANG BAYAN: ‘DI IBIBIGAY SA TAO, SA BABOY PUWEDE appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>