ANG suwerte naman ng mga nakatira sa Tanay! Lalo na yung mga nakatira sa mga bundok ng Sierra Madre.
Tahimik ang buhay, mala-Tagaytay ang klima, maaliwalas ang kapaligiran at may kakaibang aura ang inyong mararamdaman kung kayo ay narito. Mababait pa ang mga tao dito … maging taal man o mga dayo.
Para kang nasa Paraiso! Bukod pa diyan sa “mountain experience” na tila ikaw ay nasa langit at BFF kayo ni Lord … ay malapit lang sila sa iba pang kakaibang eksperiyensang hinahangad ng karamihan sa atin. Biro ninyo, isang oras lang patungong Silangan (East) ay nasa Pacific Ocean ka na at nagtatampisaw sa beach ng Infanta at Real, Quezon. Ilang minutong biyahe naman pababa sa Timog (South) ay lakeside bliss naman ang inyong mararanasan dahil sa Laguna De Bay. Isang oras naman pakanluran (West) ay ang metropolitan experience naman ng Kamaynilaan.
Malaking bagay talaga ang proyekto ng dating Pangulong Fidel V. Ramos na Marilaque Growth Corridor. Pinamunuan pa noon ni Vic Sumulong ang Marilaque Commission at consultant doon ang aking mentor na si MD Rebueno. Ang ibig sabihin ng Marilaque ay Marikina-Rizal-Laguna-Quezon.
Lalo pang uunlad ng lugar na ito kung matuloy ang LRT 2 hanggang Cogeo. Sa ngayon kasi, hanggang Masinag lang muna ang extension. Dati kasi may pondo na ang JICA (Japanese International Cooperation Agency) hanggang Cogeo pero wala itong counterpart funds mula sa ating gobyerno.
Dapat ay mag-lobby ang mga opisyales ng Rizal at mga bayan ng Antipolo, Barras, Tanay, atbp. para ituloy na ang LRT 2 hanggang Cogeo tulad ng nasa orihinal na plano. Ang laking kaginhawaan nito para sa mga residente ng Rizal at laking bagay nito tungo sa pag-unlad ng mga bayan sa Sierra Madre at Rizal.
Sana pangunahan nina Tanay Mayor Lito Tanjuatco at Vice Mayor Jimmy Vista ang pagkumbinse kay Governor Nini Ynares, Mayor Junjun Ynares, at DOTC Secretary Jun Abaya.
Teka, yun palang tungkol sa haba ng pila sa mga LRT at MRT stations … inaral na ba ng DOTC ang dahilan ng problema? Ito ba ay sanhi ng pagdeteriorate ng mga pasilidad at tren ng MRT/LRT? O, dulot ba ito ng sobrang dami ng dumagdag ng mga sumasakay ng tren nila?
Mabuti sana kung ito ay dahil sa mas marami nang mananakay ang nakumbinse na sumakay ng tren. Sana lang ay hindi sila madala dahil sa haba ng mga pila dito tuwing rush hour.
The post PAABUTIN NG COGEO ANG LRT 2 appeared first on Remate.