BIGYAN naman po natin ng pagkakataon na maihayag ng ating mga tagasubaybay ang kanilang mga kaisipan o paniniwala o nalalaman sa iba’t ibang isyu sa lipunan, puna, mungkahi at marami pang iba.
BAKAL NG L.R. TIQUI
GOOD day po, Sir Benny. Nais ko lang pong iparating ang ukol sa mga tauhan ng L.R.Tiqui Builders na kasalukuyang gumagawa ng tulay dito Brgy. San Juan, Balagtas, Bulacan. Nagbebenta ang mga ito ng mga pinagputulan ng bakal na kalimitan nilang dinidispatsa tuwing hatinggabi at kasabwat ang isang tricycle driver sa pagbebenta sa isang junkshop sa Brgy. Borol 1st. Ang masaklap nito, walang kaalam-alam ang hepe ng naturang kontraktor sa masamang gawain ng mga ito. Kaya sa pamamagitan ng inyong kolum ay nais kong maipabatid sa pamunuan ng kapulisan ng Balagtas PNP sa pamumuno ni C/INSP. Voltaire Rivera ang madalas na pangyayaring ito. Maraming salamat po. 0932275….
SI DENIECE CORNEJO
NAGPAPA-CELEBRITY lang itong si Deniece Cornejo. Kahit na ano ang mga ibinubuladas niyang kabulastogan ay wala pa ring naniniwala sa kanya. Malakas ang ebidensya sa pagkabugbog ni Vhong at kitang-kita sa footage ng CCTV ang mga taong labas-masok sa condo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee et al. Wala tayong mahagilap na katiting man lang na nagpapahiwatig ng kahit man lang konting ‘komosyon’ ukol sa rape na naganap. Pero ganyan talaga ang may mga kasalanan. Imagine, may gana pa si Ms. Cornejo na magpa-media. Glenda Ricaforte, ng Canada. 0920823….
AFP PALAKASIN
DAPAT ang gawin ng ating gobyerno ay palakasin ang armed forces, bumili ng mga fighter jet, warship at nuclear warheads. Hindi lang isa o dalawa kundi damihan sana. At bigyan-pansin ang budget ng sandatahan para sa pagbili pa ng iba’t ibang klaseng bala na gagamitin sa war para hindi tayo sinisindak ng ibang bansa tulad ng China. Pero malabo yatang mangyari ‘yun, kasi puro kurakot ang mga namumuno sa bansa natin. 0932850….
TAMA SI JINGGOY
TAMA ang ginagawa mo, Sen. Estrada, at dapat ‘yan din ang gawin nina Sen. Enrile at Sen. Revilla. Harapin ninyo ang mga ibinibintang sa inyo pagkat marami ang taumbayan na ‘di naniniwala na kayo lang ang may pork barrel. Kitang-kita na pamumolitika ang ginagawa ng pamahalaang Aquino at kayo lang ang pinaiimbistigahan sa paggamit ng inyong mga pork barrel samantalang ang dami ng mga katulad ninyong mambabatas na mas malala pa ang korapsyon. Ito naman ay sinasamantala ng ibang mga senador samantalang sila rin ay mga korap sa pera ng bayan. Dante Reynan, ng Zamboanga. 0920823….
BUS NILULUGI ANG JEEPNEY
MAGANDANG umaga po. Baka naman po puwede kaming humingi ng tulong sa inyo. Isa po akong drayber ng jeep na biyaheng Las Piñas. Bakit po kaya pinayagang dumami ang bus na bumabiyahe rito? Dati naman po ay walang bus dito. Sila po ‘yung nagpahina ng biyahe namin dito. Parang EDSA na po rito, ang daming bus at super pang magpatrapik. Thanks po. 0949196….
PAALALA KAY PACQUIAO
SIR Benny, si Ruel po, ng Taytay, Rizal. Good pm po sa iyo, sir. Pakipaalaala lang po kay Pacquiao na matatalo siya ulit ni Bradley kung mabayaran ni Bradley ang mga judge. 0947780….
INUTIL NA OPISINA NG GOBYERNO
GOOD pm, Sir. Benny. May nais lang po akong ipagbigay-alam sa inyo. Dito sa Rehiyon 8, sa Almeria, Biliran, may ahensyang may mga empleyado pero ang opisina nila ay pirming nakasarado. Lalo na sa opisina ng Kawanihan ng Koreo. Pakitawag-pansin po ang punong-alkalde ng lungsod ng Almeria. Nakadidismaya po ito. Concerned individual lang po. 0912908….
KAWATANG KONTRAKTOR
ANG daming kawatan dito sa Pilipinas! Pati mga kontraktor ng mga subdivision at mga developer ng mga pabahay sa Pilipinas! Kawawa talaga tayong mga mamamayan na apektado ng mga ganitong korap na developer.
Katulad lamang ng mga pabahay ng gobyerno sa ngayon, wala na sa standard ang mga bahay sa ilalim ng National Housing Authority. 0909679….
WALLY KAPALMUKS
WALLY, kapalmuks. Diyan sila magaling, sa sex scandal. Ang lakas ng loob magpakita sa mundo. 0939348….
LAHAT MAY KICKBACK
NANINIWALA ang nakararaming mamamayan na ang lahat na may pork barrel at PDAF ay may korapsyon at anomalya. Mga kongresman, senador at taga-Malakanyang ay may kickback. Ang alleged anomaly sa pork barrel nina Revilla, Estrada at Enrile ay kathang isip-pulitika ni PNoy. ‘Di naniniwala ang mamamayan na sila lang ang may kickback, lahat silang kongresman, senador at taga-Office of The President ay may kickback sa tinatawag nilang S.O.P. o Standard Operating Procedure sa kanilang inire-release na pondo. I was a former chief of staff ng isang congressman at alam ko na lahat sila ay may S.O.P. Glenda, ng Cebu City. 0920823….
PINAAAMIN
GOOD day po, Sir Benny. Sang-ayon po ako sa kahilingan ni Sen. Grace Poe na i-lifestyle check ang mga senador para malaman, lalo na ng mga taumbayan na nagluklok sa kanila, ang mga naging yaman nila bago sila maging senador. Malalaman natin kung paano sila yumaman lalong-lalo na ang mga senador na nakipagsabwatan kay Janet Lim-Napoles sa pagtanggap ng kikbak sa pamamamagitan ng kanilang pork barrel. Magsabi na kayo ng totoo at maging tapat sana kayo bilang mga lingkod bayan. 0932275….
oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.
The post LAHAT MAY KIKBAK, AFP PALAKASIN, GOBYERNO INUTIL appeared first on Remate.