Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ATTENTION: PHILHEALTH

$
0
0

_lily reyesBIBIGYANG daan muli ng Lily’s Files ang ilan sa tambak na text messages at nag-email ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa kanilang kahilingan at proteksyon.

Kung anoman ang mailalathala ng pahayagang REMATE, iyon po ang mga nakasaad sa kanilang padalang text messages at email sa Lily’s Files column natin at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

GOOD am po. Sana po ay matulungan n’yo kaming mahuli ang mga pusher at user dito sa amin sa Phase 1 Package 3, Bagong Silang, Caloocan City para po mabawasan na ang mga adik dito.

Ang mga pusher po rito ay mga bata-bata ng mga pulis at opisyal ng barangay kaya walang takot na nagbebenta ng droga. Maraming salamat po at more power sa inyong column.          0933_4_4_4_.

Lily’s Files; Maaasahan po ninyo na ipararating ng Lily’s Files ang inyong hinaing at reklamo sa mga kinauukulan, maraming salamat po sa suporta ninyo .

PAGBATI po mula sa PhilHealth! Maraming salamat po sa pagpaparating sa amin ng concern ni Gng. Amelita Tuazon, sa pamamagitan ng inyong column na Lily’s Files.

Ipadadala po namin sa lalong madaling panahon sa inyong email ang tamang tugon sa kanyang  katanungan. Maraming salamat po.

Lily’s Files; Maraming salamat din po sa pagtugon ninyo sa panawagan at katanungan ni Gng. Amelita Tuazon. Makaaasa po kayo na ilalathala ng Lily’s Files ang tamang tugon ng PhilHealth.

GOOD morning po, Ma’am Lily. Tanong ko lang po kung kailan bibitayin ang mga Ampatuan at kailan sisibakin sa puwesto ang mga walang kuwenta at salot sa lipunan na mga taong gobyerno?

Maraming salamat po.                                0907_9_5_8_.

Lily’s Files: Nasa korte na po ang kaso ng mga Ampatuan, hindi na po tayo puwedeng mag-comment o magbigay ng anomang pahayag. Hintayin na lang natin kung ano ang magiging kapalaran ng mga ito pagdating ng araw. At doon naman sa mga taong gobyerno, hintayin na lang din natin ang 2016, sigurado po lahat ng mga iyan ay mapapalitan din.

GOOD am po. Saan po ba puwedeng i-verify ‘yung PhilHealth ko? Kasi baka po hindi hinulugan ng dati ko pong agency. Maraming salamat po.                  0926_8_4_6_.

Lily’s Files: Sa darating na Lunes po ay mababasa ninyo ang tugon ng PhilHealth dito sa Lily’s Files column. Maraming salamat po sa suporta. Ang Lily’s Files column po natin na lumalabas sa pahayagang Remate tuwing araw ng Martes at Huwebes ay malilipat po sa araw ng Lunes at Miyerkules, at ang para sa araw po ng Sabado ay mananatili pa rin, kaya ito po ay mababasa ninyo tuwing araw na ng Lunes, Miyerkules at Sabado.

Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo o hinaing, suhestyon at komento, mag-text lang po sa 09087230036.

The post ATTENTION: PHILHEALTH appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>