Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KALAKALAN NG LAMAN

$
0
0

Firing Line Robert Roque Jr.NAGMIMISTULANG bulag, pipi at bingi ang pulisya sa prostitusyon at malalaswang entertainment sa Roxas Boulevard—mula sa Pasay City hanggang sa Parañaque City.

Tila nagbubulag-bulagan ang National Capital Region Police Office-Southern Police District at ang mga pulisya ng Pasay at Parañaque sa nightspots na napaulat na nag-aalok sa bar goers ng menu ng nagliliyab sa init na entertainment—mula sa paghuhubad sa entablado, blow jobs sa VIP room, bar fines hanggang sa iba pang malalaswang pagtatanghal.

Iginigiit ng mga police na istrikto nilang ipinatutupad ang “no-take” policy ni PNP Director General Alan Purisima alinsunod sa kampanya ng administrasyong Aquino laban sa korapsyon.

Ang nakatatawa rito, tuloy ang pangongolekta ng mga bagman na, umano’y kumakatawan sa pulisya, ng lingguhang payola mula sa mga nightclub na ito na pawang front ng prostitusyon.

Nangangahulugan ito na nakikipagbolahan lang, sinasadya man o hindi, ang NCRPO, SPD at mga pulisya ng Pasay at Parañaque kina Pang. Aquino, Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, at Gen. Purisima.

Para kina Dir. Carmelo Valmoria ng NCRPO, Chief Supt. Jose Erwin Villacorte ng SPD, Senior Supt. Renz Ortilla ng Pasay at Senior Supt. Ariel Andrada ng Parañaque: Mga Sir, ang tanging paraan po para mapatunayang ang “no-take” ay isang honest-to-goodness policy ng PNP at ang salakayin n’yo at ikandado ang malalaswang negosyo na ito. Huwag n’yo na pong hintayin pang ang Department of Justice, National Bureau of Investigation, at Inter-Agency Council Against Trafficking ang kumilos, dahil magmumukha kayong himbing na himbing sa pansitan.

Narito ang listahan ng hinihinalang malalaswang establisimyento:

*Ang D’ Czar Club sa harap ng Cultural Center of the Philippines sa Pasay ay pag-aari umano ng kompanya na pinangangasiwaan ng isang “Pablo”, anak ng dating presidente ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce sa Binondo, Maynila, ng isang Customs broker na may initials na “BB”, isang “Lacson”, at isang “Bot Sison.”
*Ang Liberty Disco at Lala Land sa Baclaran, ay pag-aari ng Japanese na si Ogawa, na may transport business sa bansa. Isang “Jules” at “Margie Qiu” ang mga tumatatyo para kay Ogawa bilang mga may-ari.
*Ang D’ Bay (dating Asian Club), na pinangangasiwaan ng isang retiradong operatiba ng CIDG na kilala bilang “Baby.”
*Ang Dynasty Real, na pag-aari ng isang “Dionisio S.”
*Ang Prinsesa, isang club na pinatatakbo ng isang “Colonel Manalo”, isang “attorney”, at isang alyas “Ninong.”
*Ang White Bird, isang gay bar sa Baclaran.
*Ang mga bar sa loob ng EDSA International Complex sa E. Delos Santos Avenue: Cotton Club, Pitstop, Firehouse, Samba, Shara Zad, Bullet and Arrow at Casino Bar. Ang lahat ng ito, maliban sa dalawa, ay pag-aari ng isang Vince Lumbardo, isang Australian.
*Ang Starwood Club, sa labas lang ng complex. Kilala ito sa ipinagmamalaking Brazilian at Russian beauties. Mangyari ring silipin ng Bureau of Immigration kung ang mga babaeng ito ay may dokumento at may working permits.

*              *              *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

The post KALAKALAN NG LAMAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>