Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GRADUATES, MAY TRABAHO BA?

$
0
0

baletodoSABI ng Department of Education halos isang milyon ang magtatapos ngayong Marso-Abril.

Kalahati sa kanila ay kolehiyo o halos limandaang libo. Iba’t ibang kurso, iba’t ibang propesyon, may naghihintay ba sa kanila na mga trabaho?

Sa datos ng National Statistical and Coordinating Board bago pa man magsipagtapos ang mga gagradweyt ngayon, nasa halos 2M  na ang walang trabaho sa bansa. Idagdag ngayon ang dami, may trabaho ba sa kanila na naghihintay?

Malamang kaysa hindi, karamihan sa magsisipagtapos at papasok “kahit na anong trabaho” basta kumita lang. Mga nars at therapist, nasa call center na lang. May mga engineer din at IT gradweyt pero wala ring mapasukan. Kaya nangingibang bansa na lang sila bilang overseas Filipino worker.

Ito ang masakit. Paghihirapan nina tatay at nanay na mapag-aral ang mga anak na masunurin naman, todo aral. Pag-graduate, call center agent lang pala ang trabaho nila.

Ang problema ng kawalan ng trabaho ay pananagutan ng mga namamahala sa bansa. Kung may programa lang sana na maayos ay marami ang trabaho para sa lahat. Walang may gusto na kapag nag-graduate ay sa ibang bansa magtatrabaho!

Ang mauunlad at mayayamang bansa mismo ang nagsabi na kung wala silang obrerong Filipino, wala ang nagtataasan na gusali, magagandang kalsada at tulay sa kanila. Iyan ang totoo. Kung may tukoy lang sana na programa ang mga administrasyon noon at ngayon, ang nakikita natin na modernong mga gusali at lansangan ay nasa atin na lahat. Tayo na marahil ang may pinakamagarang komunidad sa buong mundo.

Naalala ko tuloy noong maitayo ang Araneta Coliseum at Rizal Stadium. Usapan sa mundo ang modernong sports complex at coliseum natin. Maraming foreign film producer ang dumarayo sa atin para gumawa ng mga pelikula at maraming trabaho ang nalilikha nila.

Sa ngayon, kung may programa lang sana sa imprastraktura, pagsasaka, turismo at ayudang komersyo ang lider ng bansa, kukulangin ang halos 2M na walang trabaho na kababayan natin.

Malamang ay magpapasok pa tayo ng mga dayuhan para mapunan ang kakulangan ng paggawa.

Pero iyan ay isang pangarap na lang ngayon. Walang programang tiyak. Puro plano at kuwento lang ang naririnig natin. Marami pa ang graduation na darating. Marami pa ang ga-graduate na kabataan natin. Graduate, may diploma. May trabaho ba?

The post GRADUATES, MAY TRABAHO BA? appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>