Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BASTOS NA SEKYU NG 7-11

$
0
0

_bobby ricohermosoWALANG duda na malaking tulong ang mga private security guard o sekyu para sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa ating mga komunidad, lalo na sa highly-urbanized areas gaya ng Metro Manila.

Karaniwan ay nakatalaga sila sa iba’t ibang mga pribado at pampublikong mga lugar at establishment at sila ang unang-unang nalalapitan ng mga tao para pagtanungan at hingian ng tulong.  At marami naman sa mga sekyu ang laging maaasahan at umaasiste talaga sa mga humihingi ng tulong sa kanila.

Pero katulad sa hanay ng kapulisan, marami rin ang bugok at bastos sa mga mga ito. At isa na sa mga kumag na sekyung ito si Arvin Iraguna na nakatalaga sa 7-11 convenience store sa harap mismo ng Ospital ng Makati na nasa Sampaguita corner Gumamela St., sa Brgy. Pembo.

Maraming tricycle driver at ilang ordinaryong mamamayan doon ang asar na asar at inirereklamo talaga ang sekyung ito dahil sagad daw sa langit ang yabang nito. Ni hindi raw puwedeng pumarada sa harap ng 7-11 nang isang minuto ang mga tricycle driver doon at ipinagtatabuyan niya. At kung may lalapit naman daw na medyo gusgusin at mukhang mahirap na kostumer ay itinataboy rin niya ito, kahit may pambili naman ang tao.

Kahapon lang ay umiral na naman ang pagiging bastos ni Iraguna nang paghahampasin niya ang kotse ng isang customer na babae, na ang tanging kasalanan lang ay ipinarada ang sasakyan para bumili sa tindahan na binabantayan niya. Base sa reklamo ng biktima, nag-park siya para bumili sa 7-11 at gayundin ay hintayin na rin ang mga kasama niyang matatanda na noo’y nagpapa-check-up sa loob ng OsMak.

Pero nang maispatan ang biktima ni kolokoy ay galit na galit ito at parang palengkera na pinagmumura siya at pilit na ipinapaalis ang sasakyan niya. Pagkatapos noon ay pinaghahampas na niya ang likod na bahagi ng sasakyan kaya naman nasira ito.

Mukhang may problema ang sekyung ito at delikadong maging empleyado ang gaya niya. Kaya naman nananawagan ako sa pamunuan ng 7-11 na sibakin agad siya, dahil ang mga gaya niya ang nakasisira sa reputasyon ng mga matitinong kompanya na gaya nila.

Tinatawagan ko rin si Police Chief Inspector Sonny Celedio, na executive officer ng PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) para bawiin agad ang kanyang lisensya.

The post BASTOS NA SEKYU NG 7-11 appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>